Project Orcullo: higit pa sa musika, isang pagpapahalaga sa sining

SBS filipino

Source: SBS Filipino

Para sa dating Pinoy Dream Academy aspirant na si Glenn Orcullo, ang musika ay nagpapahintulot sa kanyang umugnay sa sarili- sa kanyang diwa.


Matagal ng nananalaytay sa dugo ni Glenn Orcullo Capanas ang pagmamahal sa musika. Bago nadiskubre ang boses, siya ay isang dancer noong high school, keybordista at miyembre ng choir sa kanyang simbahan.

Isa siya sa mga sumali sa unang season ng Pinoy Dream Academy at naging isa sa mga semi-finalists sa NCR division. Sa 30,000 na sumali, siya ay nagtapos na ika-pito mula sa 12 na kandidato na napili. Ang ibang PDA scholars ay sina Wendy Valdez, RJ Jimenez at winner na si Yeng Constantino.

Di nagtagal, binuo niya ang TBG (The Band Glenn). Pagkatapos nabuo ang grupo, mabilis na dumami ang fans ng TBG dahil sa mga covers at rendisyon ng mga alternative rock classics.

Disyembre 2009 nang sumali ang TBG sa MTV talent contest na "MTV Emerge" na binuo ni Apl de Ap ng the Black Eyed Peas kung saan ay naghanap sila ng pitong promising acts sa Pilipinas. Kabilang sa entries ang TBG at ang orihinal na komposisyon nitong “Tipsy” na nanalo ng recording contract sa Jeepney Records. Simula noon, nagkaroon ng mga mall tours ang TBG at napili na maging front acts para sa mga OPM artists na The Sabado Boys, Kitchie Nadal, Session Road, Rey Valera, Rico Jay Puno, Candy Pangilinan at kapwa MTV Emerge finalist na Faircatch.
Kilala bilang Glenn Orcullo sa Australya, siya ang unang lead vocals ng bandang "Our Tribe" sa Melbourne. Nakakuha ang grupo ng views, fans at respeto. Pagkatapos ng 2 taon nagdesisyon siyang sumali sa "MARCVS" na pinangunahan ng kaibigan na si Mark Timbayan. Sila ay nagtutulungan sa paggawa ng mga bagong kanta mula sa kanilang mga impluwensiya. 

Sa ngayon, nagtatrabaho si Glenn para sa kanyang proyekto na Project Orcullo kung saan ay gumagawa siya ng mga orihinal na kantang Pinoy. Naniniwala siya sa pamamagitan nito, mahihikayat niya ang komunidad na mahalin ang sining at bigyang halaga ang kahulugan nito.

Si Glenn ay sinamahan ng kapwa musikero at gitarista na si Caloy Calpito sa radyo SBS upang pag-usapan ang kanilang pasyon para sa musika.
Project Orcullo Facebook
Glen and Caloy at SBS Filipino for their radio guesting Source: Project Orcullo Facebook


BASAHIN DIN:

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand