Key Points
- Ang influenza o trangkaso ay maaaring magdulot ng banayad hanggang malubha, at maging nakamamatay na karamdaman.
- Inirerekomenda ang taunang pagbabakuna laban sa flu para sa lahat ng may edad na anim na buwan pataas.
- Sa Australia, mayroong no-needle o nasal spray flu vaccine para sa mga bata.
- Ligtas at epektibo ang flu vaccine, kaya makipag-usap sa inyong doktor kung mayroon kayong mga tanong o alalahanin.
Ang influenza o flu ay isang virus na umiikot buong taon, kaya puwede mo itong makuha anumang panahon.
Sa Australia, mas tumataas ang kaso ng flu tuwing autumn, at karaniwang pinakamataas ang hawaan mula Hunyo hanggang Setyembre.

Kumakalat ang influenza o flu sa pamamagitan ng maliliit na droplets mula sa ilong o lalamunan ng taong infected.
Ang mga nabakunahan ay mas mababa rin ang posibilidad na makahawa ng iba.

Ang pinakamabisang paraan para makaiwas sa influenza at sa mga seryosong komplikasyon nito ay ang taunang flu vaccine.
Getting vaccinated is the best thing you can do to protect yourself, your family and also your community.Dr Michael Wright
May ilang grupo ng mga tao sa Australia na binibigyan ng libreng flu vaccine sa ilalim ng National Immunisation Program:
- Mga batang may edad 6 na buwan hanggang 5 taon
- Mga nasa hustong gulang na 65 taon pataas
- Mga buntis
- Mga Aboriginal at/o Torres Strait Islander na may edad 6 na buwan pataas
- Mga taong may partikular na kondisyong medikal



Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mahahalagang impormasyon at tips sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong ka ba o ideya na gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au




