Pwede bang maging full-time career ang pagiging book author sa Australia?

453408535_1663160211136598_6189213729455836786_n.jpg

Anna Manuel and Dr. Celia Torres-Villanueva share how to navigate a book author career in Australia. Credit: SBS Filipino

Sa episode na ito ng Trabaho, Visa, atbp., ibinahagi ni Anna Manuel at Dr. Celia Torres-Villanueva ang proseso na maging book author sa Australia at kung malaki nga ba ang kita sa propesyon na ito.


Key Points
  • Ayon sa Job and Skills Australia, aabot sa 5,400 ang mga book author at book and script editor sa Australia kung saan 63 % dito ay kababaihan at 37% naman ang part time itong trabaho.
  • Isang kwentista o storyteller si Anna Manuel sa Australia kaya naman naisip niya idokumento bilang children’s book ang pakikisalamuha sa mga bata.
  • Bata pa lang ay mahilig na magsulat ang career coach na si Dr. Celia Torres-Villanueva pero nagkaroon ng iba’t ibang full-time job at nag-aaral pa kaya naisantabi hanggang sa magkaroon ng oras ngayon.
  • Dumaan sa self-publishing sina Anna at Celia dahil mas madali ang proseso nito kumpara sa traditional publishing.
Sa panayam ng SBS Filipino, ibinahagi ng dalawang book author na sina Anna Manuel at Dr. Celia Torres-Villanueva na nais nilang ibahagi sa mga kapwa migrante sa Australia ang karera sa pagiging manunulat ng libro sa pamamagitan ng isang event na tinawag na Literary Career Transformation: Fireside Chat and Author Showcase.
anna.jpg
Storyteller and book author Anna Manuel Credit: Anna Manuel
Celia.jfif
Celia Torres-Villanueva has been named one of the 5 finalists from 77 nominees for the Australian Professionals of Colour (APOC) Corporate Legend Award. Credit: Supplied
Layon ng kaganapan na ito na itampok ang mga kakabaihang manunulat mula sa multicultural background gayundin na bigyan ng boses ang local author. Nakatakda itong maganap sa 31 August 2024, Sabado alas-dos ng hapon sa Kensington Town Hall sa Melbourne.

"Broaden and diversify your bookshelves," saad ni Dr. Villanueva.

Paunawa: Ang mga paliwanag at impormasyon ay gabay lamang. Para sa payo na naayon sa iyong problema o sitwasyon, kumonsulta sa kinauukulan at lisensyadong employment o migration expert sa Australia.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pwede bang maging full-time career ang pagiging book author sa Australia? | SBS Filipino