Hinihikayat ng isang grupo ng mga Australyanong pinuno ng mga relihiyon ang mga pulitiko na umaksyon hinggil sa climate change. Larawan: Isang kamakailang kuha mula sa himpapawid ng bleached o namumuting coral reef matatagpuan sa pagitan ng Cairns at Papua New Guinea. (AAP)
Sa kalagitnaan ng pangangampanya para sa halalan, naglabas sila ng isang bukas na liham na nagsasabing ang mga pangunahing partidong pulitikal ay hindi sapat ang ginagawa ukol sa isyu, sa kabila ng malawakang suporta mula sa publiko para sa pag-aksyon.
Share




