Key Points
- Noon pa man, madalas na nailalarawan sa media ang mga Katutubo sa paraang stereotype at kadalasang hindi isinasaalang-alang ang kanilang boses o pananaw — kaya’t nabuo ang mga maling pag-unawa ng publiko.
- Pero ngayon, malaking tulong ang Indigenous media para maipahayag ang tunay nilang kwento, mapanatili ang kanilang kultura, at itama ang mga maling pananaw.
- Sa panahon ng social media tulad ng TikTok at Instagram, mas malawak na ngayon ang naabot ng kanilang mga kwento at mas naririnig na ang kanilang boses.
Noong unang panahon, mali at negatibo ang naging paglalarawan ng media sa mga Indigenous Australian. Sa mga lumang pahayagan, radyo, at telebisyon, madalas silang ipinapakita na mababa o may kakulangan. Dahil dito, malaki ang naging epekto nito sa pagtingin ng publiko sa kanila.
"When I was younger, there wasn’t much representation of mob in media. Now we’re breaking barriers and celebrating Blak excellence—it’s incredible to see Indigenous voices being heard internationally,"
Sabi ni Leanne Djilandi Dolby, isa siyang proud na Noongar, Yamatji Naaguja Nunda woman sa panig ng kanyang ina, at Yawuru, Gija, at Gooniyandi naman sa panig ng kanyang ama.
Ipinaliwanag ni Adam Manovic, isang Kabi Kabi at Gorreng Gorreng man, Co-Chair ng First Nations Media Australia (FNMA), Head of Commercial, Brand and Digital sa National Indigenous Television (NITV), at miyembro ng The First Nations Digital Inclusion Advisory Group, na ang ganitong mga uri ng paglalarawan ay may pangmatagalang epekto.
"Media has a massive influence on how people view things, dating back to newspapers and radio in the early 1900s. This has shaped how Indigenous Australians are seen by non-Indigenous Australians, often perpetuating false negative stereotypes,"sabi ni Manovic.
Ayon sa mga bagong pag-aaral bagong pag-aaral, siyam na porsyento lamang ng mga Katutubong Australyano ang naniniwalang nagbibigay ng patas o balanseng pananaw ang media tungkol sa kanilang mga komunidad.

Left: Tanja Hirvonen. Centre: Adam Manovic. Right: Leanne Djilandi Dolby ( Credit: SBS)
Ang responsibilidad ng Indigenous media
Mahalaga ang mga plataporma gaya ng FNMA at NITV sa pagbawi ng sariling kwento ng mga Katutubo at sa pagsira sa mga stereotype. Ang FNMA ay sumusuporta sa mahigit 500 empleyado sa buong Australia at nagbibigay ng pagsasanay para sa mga First Nations na nais pumasok sa industriya ng media.
Ang NITV, na inilunsad noong 2007 at naging bahagi ng SBS noong 2012, ay nagsisilbing plataporma para sa tunay na mga kwento mula sa at tungkol sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples.
Ipinapanukala ni Adam Manovic ang suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng isang First Nations Broadcasting Act upang matiyak ang tuloy-tuloy na pondo para sa ganitong mga inisyatibo.
"Preserving First Nations media archives is vital because it maintains language and culture for future generations. We want to ensure these recordings don’t disappear—they’re integral to who we are."
Ang mga platapormang ito ay lumalaban sa mga stereotype, nagpapalaganap ng cultural pride, at nagbibigay ng tunay na mga kwento na sumasalamin sa totoong karanasan ng mga Indigenous na komunidad.

First Nations hub of inner knowledge, traditional culture and lore.
Paano naaapektuhan ng media ang mga Indigenous Australian sa paraan ng kanilang paglalarawan?
Ipinaliwanag ni Tanja Hirvonen, isang Jaru at Bunuba woman, clinical psychologist, at board member ng Australian Indigenous Psychologist Association kung paano ang ganitong mga kwento ay maaaring maging lubhang nakalulungkot, lalo na sa mga sensitibong panahon.
"When the media perpetuates harmful stereotypes or spreads inaccurate content, it reinforces racism and discrimination on a larger scale. For people who are already struggling, seeing these narratives can be deeply distressing."
Ngunit, malaki ang benepisyo ng positibong paglalarawan sa media. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang inklusibo at tunay na paglalarawan ng mga Katutubo ay nakakapagpalakas ng pagmamalaki sa kultura, nagpapalalim ng koneksyon sa komunidad, at nagpapabuti ng mga resulta sa buhay.
Halimbawa, binibigyang-diin ng National Agreement on Closing the Gap ang kahalagahan ng representasyon ng mga Katutubo sa media bilang paraan upang mabawasan ang karanasan ng rasismo at mapabuti ang access sa impormasyon para sa mas maalam na paggawa ng desisyon.
Nakakatulong din ang positibong paglalarawan sa pagtutol sa mga maling ulat. Kapag kasama ang mga boses ng Katutubo sa pagkukuwento—sa pamamagitan ng mga plataporma tulad ng NITV o social media—nagtutulungan ito upang mapalawak ang pag-unawa at respeto ng mga hindi Katutubo sa Australia. Ang pagbabagong ito ay maaaring magdulot ng mas malakas na suporta para sa mga pagsisikap ng pagkakasundo.
Binibigyang-diin ni Leanne Dolby, isang social media creator at estudyante ng biomedical science, ang kapangyarihang dulot ng pagkakita ng sarili sa media bilang kinatawan.
"When you don’t see enough representation as an Aboriginal person, you feel isolated. Representation means knowing there are people like me who have the same goals and strength,"paliwanag ni Djilandi Dolby.
Sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa tunay na pagkukuwento at pagpapalakas ng boses ng mga Katutubo, may kakayahan ang media na hindi lamang paghilumin ang mga sugat ng nakaraan kundi pati na rin bumuo ng isang mas inklusibo at maunlad na hinaharap para sa lahat ng Australians.
"Our [Indigenous Australians] strength lies in our cultural resilience. By celebrating our traditions, language, and stories through media, we can counteract the negative impacts of harmful narratives," sabi ni Tanja Hirvonen.

Social media has proven to have the power that enables First Nations people to challenge misinformation. Credit: davidf/Getty Images
Social Media bilang kasangkapan sa pagbabago
Ang social media ay naging makapangyarihang plataporma para sa mga Indigenous Australian. Sa pamamagitan ng mga platform tulad ng TikTok, Instagram, at Facebook, nagagawa ng mga tagalikha na lampasan ang tradisyunal na media at direktang maibahagi ang kanilang mga kwento sa buong mundo. Dahil dito, nagkakaroon sila ng pagkakataong labanan ang maling impormasyon at itaguyod ang pagpapalitan ng kultura.
Ang mga hashtag tulad ng #IndigenousX ay naging sentro ng adbokasiya at edukasyon.
"Social media platforms will come and go, but what will never change is our ability to tell stories. Whether it’s TikTok, film, radio, or print, we know how to use those platforms to our advantage to show our culture," paliwanag ni Adam Manovic.
Ano ang hjnaharap para sa atin?
Upang mapabuti ang representasyon, kailangan ng malawakang pagbabago sa parehong mainstream at community-controlled na media. Hindi lang ito tungkol sa pagbibigay ng espasyo para sa mga boses ng First Nations, kundi pati na rin sa pagsuporta ng pangmatagalang pagbabago sa paraan ng pagpili, pagkukuwento, at paghahatid ng mga istorya.
Nanawagan si Adam Manovic ng batas tulad ng First Nations Broadcasting Act upang matiyak ang pondo para sa mga platapormang pinamumunuan ng mga Katutubo gaya ng FNMA at NITV.
Binigyang-diin ni Tanja Hirvonen ang pangangailangan ng mga kultura na ligtas na pamamaraan sa loob ng mga pangunahing organisasyon ng media—upang masigurong patas ang mga paglalarawan sa pamamagitan ng pagsasali ng mga boses ng Katutubo sa bawat antas.
Hinihikayat naman ni Leanne Djilandi Dolby ang mas malaking pagdiriwang ng mga tagumpay ng First Nations sa lahat ng anyo ng media.
"We need more opportunities for mob to share their stories—whether it’s through film festivals or social platforms—and more support for those breaking into creative industries."
Ang paglalarawan sa mga Indigenous Australian sa media ay patuloy na umuunlad ngunit isa pa ring proseso ang kailangan tapusin. Bagamat ang mga plataporma tulad ng NITV at social media ay nagbibigay ng pag-asa sa pamamagitan ng tunay na pagkukuwento, kailangang higit pa sa simbolikong pagkilos ang gawin ng mga pangunahing media upang tunay na maipakita ang yaman ng pagkakaiba-iba sa Australia.
Ang pagbibigay kapangyarihan sa mga boses ng First Nations ay nagpapayaman sa kultura ng Australia at nagpapalakas ng pag-unawa sa pagitan ng mga komunidad. Tulad ng binigyang-diin ni Adam Manovic, ang mga positibong kontribusyon ng mga Katutubong Australyano sa media at kultura ay “para tanggapin ng lahat.”
READ MORE

Who are the Stolen Generations?
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa karagdagang mahahalagang impormasyon sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
Mayroon ka bang tanong o paksang gustong pag-usapan? mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia, and website live stream, and TV Channel 302 from 10am to 11am AEST daily.