SKIP TO MAIN CONTENT

Sa Bangladesh, obstetrician si Rabea. Sa Australia, nagtitiklop siya ng mga punda ng unan

Blueline L.jpg
Blueline Laundry is a job-centric social enterprise in Launceston, employing around 250 people. Almost half of its employees are migrants. Source: SBS / Dennis Fang

Aktibong naghihikayat ang Tasmania ng mga skilled migrant sa pamamagitan ng mga nominated pathway. Pero para sa marami sa kanila, hindi naging ganoon kadali ang pagsisimula ng bagong buhay.


Published

Updated

By Alex Tarney, Dennis Fang, Lera Shvets

Presented by Lera Shvets, Shiela Joy Labrador-Cubero

Source: SBS



Skip to podcast episode content

Aktibong naghihikayat ang Tasmania ng mga skilled migrant sa pamamagitan ng mga nominated pathway. Pero para sa marami sa kanila, hindi naging ganoon kadali ang pagsisimula ng bagong buhay.


Ayon sa Activate Australia's Skills campaign, mahigit 250,000 permanent migrant sa Australia ang nagtatrabaho sa mga posisyong hindi tugma sa kanilang kwalipikasyon, kahit may kakulangan ng skilled workers sa iba't ibang sektor.

Natuklasan din sa kanilang pinakahuling ulat na magastos, matagal, nakakalito, at madalas ay hindi patas ang proseso ng pagkilala sa mga kwalipikasyong nakuha sa ibang bansa.

Isa si Rabea sa mga dumaan sa ganitong sitwasyon. Dati siyang obstetrician sa Bangladesh, ngunit pagdating sa Australia ay nahirapan siyang makahanap ng trabaho sa health sector. Para sa kanya, isa sa mga posibleng dahilan nito ang kawalan ng local experience.

"I tried in [Launceston General Hospital], not as a doctor because I can't do that, because I don't have license still. So I tried in administration, in different GP centres as an assistant. I also tried in a chemist shop."

Pero hanggang interview, hindi man lang siya umabot.

Ngayon, tinatapos ni Rabea ang master's degree niya sa laboratory medicine, umaasang makatutulong ito para makahanap siya ng trabaho sa health sector. Habang naghihintay, nagtatrabaho muna siya sa Blueline Laundry, kasama ang iba pang migrant na dumaraan din sa parehong sitwasyon.

Noong huling bahagi ng 2025, naglaan ang Federal Government ng mahigit 85 milyong dolyar para sa susunod na apat na taon bilang bahagi ng Migration Skills Recognition Reform.

Pero ayon sa mga negosyo at unyon, kailangan pa ng mas maraming hakbang upang matulungan ang mga kwalipikadong migrant na makabalik sa kanilang mga propesyon.

Sa episode na ito, tatalakayin ng SBS Examines ang ilan sa mga hamong nararanasan ng mga migrant sa Australian job market, at ang isang programang nagbibigay sa kanila ng pagkakataong makapagsimula.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.


Latest podcast episodes

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Stream now