Batas sa kasal ng parehong kasarian, tama o hindi, pag-ibig pa rin ang nagwagi

Andrea Jaca-Smith in her wedding in Belgium in 2008 Source: Supplied by A. Jaca-Smith
Matapos na pirmahan at pormal na gawing batas ang pagpapakasal ng parehong kasarian, ang pagiging tama o moral na isyu nito ay lumalabas pa rin sa hanay ng mga konserbatibo. Tinanong namin ang dalawang may hawak ng titulo ng beauty pageant tungkol sa kanilang mga reaksyon. Naniniwala si Mrs Universe Courage - Mrs Classic Galaxy 2017 Maryrose Salubre - may-asawa at dalawang anak - na ito ay isang usaping etikal at may mga alalahanin siya tungkol sa kaangkupan nito sa relihiyon at pagpapanatili ng kultura na ang kasal ay sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Habang, pinuri naman ni Miss Transsexual Australia Andrea Jaca-Smith ang Australya sa pagpayag nito na manalo at manaig ang pag-ibig.
Share