Trabaho, Visa at iba pa. Trabaho, Visa at iba pa.
Marvic Zabala
Ang time na talagang mag-aaral ako, hindi naman
talagang machinist ang course ko eh. Gusto ko
talagang mag-seafarer, seaman. Tapos ang time na
enrollan, may nakatabi lang ako ng enrollan dahil
wala akong ballpen, nanghiram ako ng ballpen.
Ngayon, nagsabi niya sa akin, ano ang course ko
raw? Sabi ko, seafarer. Ba't mag-seafarer ka pa,
mag-machinist ka na lang. Pwede ka rin naman
mag-barko. Yung enrollan, nilagay ko na,
machinist, hindi na seafarer. Kasi nga sabi nung
kasama ko eh. Sabi ko nga, talagang
kung para sayo, para sayo eh.
Kung ano yung gusto mong plano tapos hindi mo nakuha
meron talagang better plan si God para sayo.
Kung naging seaman ako baka hindi ako nakapag-Japan o Australia.
TJ Correa
Ito ang tinig ni Marvic Zabala na isang first
class machinist sa Wollongong New South Wales.
Wala man plano noong maging machinist pero ito ang
naging daan anya para makapag-migrate sa
Australia. Mahigit tatlong taon na siya down under
na dumating noong 2022 sa ilalim ng Skills and
Demand Visa subclass 482 Hindi anya naging madali
na makapunta sa Australia pero malaking bagay ang
karanasan nito na magtrabaho sa Japan noong 2015
Marvic Zabala
Ex-abroad ako eh. Galing akong Japan before. Nasa
utak ko na kung mag-abroad ako ulit, ang gusto
kong puntahan yung pwede kong makuha yung mga anak
ko. Ganyan. Pamilya, ganyan. Kaya sinabi ko dati
talaga kundi New Zealand Canada, Australia. Swerte
dahil natanggap ko ng Australia. At yun,
tuloy-tuloy na. Dapat 2019, nandito na kami.
Inabot ng pandemic. Kaya natagalan lang kami. Two
years ang inantay namin bago makapunta rito.
TJ Correa
Ang machinist ay isang manggagawang gumagamit ng
mga makina para gumawa o mag-ayos ng metal parts.
Silang nag-ooperate ng mga lathe, milling machine
at ibang kagamitan sa pabrika.
Marvic Zabala
Kami nasa engineering company. So ang ginagawa
namin mga engineering parts like sa aeroplano, sa
kotse So mga fabrication. So more on fabrication
tapos mga engineering parts, mga electronic parts,
mga ganyan. Mag basic na turnilyo
mga mechanical parts mga ganyan
TJ Correa
Dumaan sa agency si Marvic at ikinuwento na hindi
naging madali lalo ng pag-aasikaso pa lang sa mga
requirements gaya ng medical at character
Marvic Zabala
Nag-apply ako dati through agency sa Pilipinas. So
may agency ron sa Malate na nag-hiring sila ng
machinist which is na ang hinahanap nilang
qualification e pasok ako. So in-applyan ko yung
agency na yun. Tapos ang interview pa limang araw.
Sa limang araw na yun, isang araw sampu kami
in-interview. So Monday, in-interview kami, Monday
ako nakapasa. So meron pang apat na araw para mag
employer, maghanap ng Kung talagang makakasama ko.
Pero wala na siya nakuha. So noon Lunes na nayon,
kami na talaga yung kinuha niya. Pero tuloy-tuloy
pa rin interview niya. Tuloy-tuloy na, binigyan
kami ng mga requirements. Hanggang sa nag-umpisa
na kami magpasa ng mga documents. Maraming proseso
pero talagang tiyaga lang talaga. Sa amin,
machinist. Una-una talaga yung skill namin. Yung
programming. So number one yan ang programming.
Kasi ang machinist, continuous learning. Everyday
continuous learning. Kahit matagal ka ng
machinist, talagang araw-araw meron kang
matutunan. So number one, programming. Tapos,
syempre, attitude. Tapos kung anong makina yung
na-operate mo. Importante rin yun. Minsan
tinatanong sa interview, yung makina na-operate
mo. At syempre, yung how you express yourself. Na
pag in-interview ka ng employer, kung paano ka
makipag-usap sa kanila. Tapos, document, syempre,
kailangan mo ng diploma. Diploma ng machinist,
importante rin ang payslip kasi hinahanap din
talaga yan. Payslip tapos Certificate of
Employment kung ilang kumpanya na pasukan mo. Yung
nga, Police Clearance, TOR, kailangan din yun.
Kasi pag nag-apply ka ng Australia, yung
requirements mo, TOR kailangan mabigay mo din.
Saka yung Form 137, yung mga Highschool mo ba.
Saka yung English exam. Hingi ka kasi sa kanila ng
English Certificate na nag-aral ka talaga ng
TJ Correa
Tanda pa aniya ni Marvick ang unang araw ng
paglapag niya sa Australia.
Marvic Zabala
Pagpuntang namin dito, yung kumpanya mismo
nagsundo sa amin sa airport. Tapos pumunta kami
itong Biyernes e. So Lunes, start na agad. Matic
yun. Pagpunta rito, antaas na ang expectation sa
amin ng boss namin. Binigyan lang kami ng drawing.
O, gawin mo ito. That's it. Bahala ka na. Diskarte
yun na. Ganon sila e. Ganon yung tingin nila sa
amin e, na pagkabigay. Siyempre, Pilipino tayo,
diskarte talaga natin. Kaya na, nagawang kagad
namin ng paraan tuloy-tuloy na.
TJ Correa
Ilan din sa mga hamon ani Marvic ang language
Marvic Zabala
Language barrier. Yan talaga, number one, language
barrier. One time, na-Tagalog ko yung boss ko.
Natagalog ko siya. Sabi niya 'What?' Tapos
tinanong niya ako, nag-uusap ba kayo ng English ni
yung kasama ko sa bahay? Nag-uusap ba kayo ng
English sa bahay ng kasama mo? Nag-uusap naman
kami. Yun yung time na talagang tawa ko ng tawa
kasi na Tagalog ko siya eh. Talagang ano lang
siya, naggulat din siya. Talagang iintindihin mo
na lang talaga, lalo ng pag-una ka eh. Siyempre,
tiyaga lang din. Siyempre, kailangan mong
mag-aaral talaga ng English. Kahit pa paano. Para
kahit pa paano makasabay ka sa boss mo or
makasagot ka sa boss mo. Yan ang importante. May
homesick. Sabi ko nga yung mga nakasama ko sa
Japan dati. Ibang Japan, ibang Australia. Kasi sa
Australia talagang naranasan ko yung homesick. Sa
Japan hindi ko naman naranasan mag-homesick.
Talagang dito lang sa Australia. Iba yung homesick
nito sa Australia kumpara sa Japan. Pero,
siyempre, ex-abroad na ako. Parang nasanay na ako
sa gano'ng sistema. Sa Japan kasi, puro kami
Pilipino. So, pag punta mo ng apartment, isang
apartment yun, lahat kami Pinoy. Siyempre, puro
kayo Pilipino. Andun na yung bonding gabi-gabi.
Hindi mo maranasan. Isan, pupunta kayo ng station,
ganyan. Magkakaya yan, ganyan yan. Hindi ko talaga
naranasan yung homesick. Dito lang talaga sa
Australia. Siguro sa apartment namin, siguro mga
20 plus kami ang Pinoy. Tapos may katabing
kapitbahay naman kami, mga Pilipino rin. Isa
building din yung na puro Pilipino. Kaya yung
homesick, hindi kong mararanasan sa Japan.
TJ Correa
Paano mo ginawa ng paraan para hindi mo mas
maranasan o maramdaman yung homesickness? Meron ka
bang, ayun, nagkaroon ka ba na mas maraming
kaibigan? Naghanap ka ba ng mga Filipino
community? O yung pagba-vlog mo ba isa yun sa, ng
ginawa mo para mas makabawas sa kalungkutan?
Marvic Zabala
Nung punta ko rito, naghanap kami ng unang
Pilipino store. Tapos basketball. So kahit may
trabaho, Merkules, Huebes, Basketball, Sabado,
Lingo, Pilipino Community, Basketball. Kumbaga
nawawala ang homesick mo eh pag may mga gano'ng
busy. Kumbaga kahit ba parang nakakalabas ka,
nakakausap ka ng ibang tao, ganyan-ganyan,
talagang i-gogrow ka nila, na okay lang yan,
gano'ng homesick, gito tayo, Pilipino tayo,
ganyan-ganyan, sama-sama tayo rito, ganyan-ganyan.
Tapos minsan, ML, ganyan.
TJ Correa
Bagaman mas na homesick sa Australia, mas
napakinabangan naman ani Marvick ang kanilang
Marvic Zabala
Mas mahirap sa Japan. Kasi sa Japan ano eh, ano
lang kami ah, kumbaga operator. So ang machinist
kasi may CNC operator, may programmer. So sa
Japan, operator kami. Ang makina ko ron 12, 12
machine everyday. So sa parts pa kami ng kotse,
Suzuki kami. Sa Suzuki company kami. So mas
mahirap ang trabaho doon kasi umii, naglalakad ka
ng 12 oras. Imagine mo yun, 12 machine. Maglalakad
ka, iikutin mo yun sa loob ng 12 to 12. E dito sa
Australia, talagang, although nakatayo kami 12
hours, pero kami yung nagpo-program, kami yung
nagsi-setup, lahat, lahat nagagawa namin dito. So
talaga yung skill namin talagang nai-enhance at
nagagawa talaga namin dito.
TJ Correa
Masaya din si Marvic dahil dumadami na ang kapwa
Pinoy sa kanilang kumpanya. Pero malaking bagay
din anya ang iba't ibang multicultural background
Marvic Zabala
Kaya doon sila nagsimula. Ano kami? Pioneer kami
doon sa company, pinapasukan namin eh. Kami ang
unang Pilipinong kinuha nila eh. So kaya yun, kaya
nag-research daw sila kung ano yung culture ng
Pilipino pagdating sa trabaho. E talaga naman sabi
nga noon, sabi niya parang number one nga raw
talaga ang Pilipino pagdating sa overseas. Sabi
niya ganyan. ... Nakatataba ng puso. Ibang lahi
nagsalita ng ganun pagdating sa Pilipino. Kami,
binabawi lang din namin pagalik sa trabaho. Bigay
100% the best ang binibigay namin, pagkikisama sa
mga Australian, sa ibang lahi. Kasi sa kumpanya
namin hindi lang kami ang overseas doon. May ibang
lahi rin like Thailand... Pero kami lang
machinist, iba labor na lang sila doon. Yan ang
ginagawa nila. Pero mayroon naman mga puti,
katulad din namin na machinist.
TJ Correa
Ayon sa datos ng Jobs and Skills Australia, may
mahigit 120,000 metalfitters at machinists sa
bansa. Aabot sa $2,243 ang median full-time
earnings kada linggo o $52 na median hourly
earnings. Karaniwang saklaw ito ng manufacturing
at mining industry. Sa ngayon, nakahain na ang
Visa Pathway to Permanent Residency ni Marvic at
nangangarap na siyang makasama sa Australia ang
Marvic Zabala
Maganda. Masarap sa pakiramdam. Kasi ito rin sa
akin. Yung ginagawa ko ito para maging permanent.
Para sa mga anak ko na. Sa future ng anak ko. Sa
akin, ako yung way para sa future nila. Masaya.
Masarap sa feeling. Kasi isipin mo sa pamilya nyo,
mayroon isa na naging migrant sa Australia. Parang
masarap sa pakinandam ng ganoon. In the long term
or in the long run, Mapunta mo yung pamilya mo
rito, yung nanay-tatay mo, masarap, masarap sa
pakiramdam. Pero siyempre, marami pa rin daraanan
na butas na karayom, like English exam, ganyan.
Yung pa yung mga kailangan na requirements pa rin.
TJ Correa
May payo din siya sa may mga plano o nangangarap
na mag-migrate sa Australia.
Marvic Zabala
Ito, lagi ko sinasabi sa kanila, kung gusto niyo
mag-apply ng Australia, as a machinist, kailangan,
taasan niyo yung standard niyo rin bilang isang
machinist. Yung mag-aral ng hangga't maari.
mag-aaral ng programming, ganyan, ganyan. Tapos sa
mga gustong mag-apply na katulad ko, na gusto rin
mangarap na pumunta ng Australia, mag-tyaga lang
kayo. Kasi ang dami kong sa page ko, ang dami kong
mga nababasa mga message, sinasabi, bagsak ako,
ganyan, ganyan. Eh kung ako, ito ah, sabihin ko
natin totoo na noong bago ako mag-Japan, since
2009, 2015, doon ako nag-apply eh. So ilan taon
yun? Six years. 2015 yun ako natanggap. Eleven
times akong bumagsak. Ah, ten times akong bumagsak
sa interview. Yung pang-eleven times yun ako
pumasa. Kaya lagi kong sinasabi niya sa kanila na
tiyaga lang, tiyaga Huwag kayong maghinayang na
babagsak kayo. Kasi darating yung panahon. Yung
mga pinagpi-pray natin talagang ibibigay niya yan.
TJ Correa
Ang pangkalatang impormasyon ay gabay lamang para
sa spesipiko na naayong payo na angkop sa inyong
personal na sitwasyon, makipag-ugnayan sa
Registered Migration Agents sa Australia o sa
Department of Home Affairs. Ako si TJ Correa para
sa SBS Filipino. Trabaho, Visa at iba pa. Trabaho,
 END OF TRANSCRIPT