Engineer sa Australia: Alamin paano magpa-accredit, oportunidad sa trabaho, at mag-network

WIP_engineering_stock_pop.jpg

Migrant engineers are expected to power 70 per cent of the Australia’s workforce growth in this critical industry.

Sa Australia kulang ang mga engineer o inhenyero, pero marami sa mga migranteng engineer ay hindi nagagamit nang husto ang kanilang kakayahan o underemployed. Alamin kung paano ang qualification recognition, mga tips sa paghahanap ng trabaho, pag-aayos ng CV, at tamang paraan ng pag-network.



Ang artikulong ito ay naglalaman ng mga praktikal na payo mula sa Work in Progress, isang serye sa Australia Explained na naglalahad ng mga kwento ng skilled migrants na bumubuo ng makabuluhang career sa Australia. Makinig sa buong serye para sa higit pang mga kwentong nagbibigay-inspirasyon at gabay mula sa mga eksperto.

Itinatampok sa episode na ito ang kwento ni Hannah Talebi, isang Iranian mechanical engineer — mula sa pagiging trabahante ng chocolate factory hanggang sa posisyon bilang design manager sa wate industry — na nagpapakita ng mga hamon at katatagan ng mga migranteng manggagawa.
Kinahaharap ng Australia ang pinakamalalang kakulangan sa mga engineer sa loob ng higit isang dekada, kaya’t mas mahalaga ngayon ang mga skilled na manggagawa. Ngunit kahit may tamang kwalipikasyon at kakayahan, 40 porsyento lang ng mga migranteng engineer ang nagtatrabaho sa kanilang larangan, isang malaking oportunidad na hindi pa nagagamit na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng ekonomiya at pag-unlad ng teknolohiya.

Ang mga migrante ang nagpapatakbo ng engineering sector sa Australia. Sa ngayon, higit 60 porsyento ng mga engineer ay mula sa migrant backgrounds, at mas mataas pa ang bilang ng mga babae na umaabot sa 74 porsyento. Sa 2026, inaasahang sila ang magiging dahilan ng 70 porsyento ng paglago sa workforce ng sektor na ito.
Hannah Talebi with Bernadette Foley, Engineers Australia chief engineer..jpg
Hannah Talebi with Bernadette Foley, Engineers Australia chief engineer.

Anong hamon ang kinakaharap ng mga migranteng engineer sa Australia?

Sa kabila ng mataas na demand, libu-libong skilled migrant engineers ang hindi nagagamit nang husto ang kanilang kakayahan. Ilan sa mga pangunahing hadlang ay:
  • Kawalan ng local work experience.
  • Limitadong professional connection.
  • Kumplikadong proseso ng accreditation.
  • Hindi pamilyar sa recruitment system.
Si Hannah Talebi, na ngayon ay miyembro national board of Engineers Australia’s Mechanical College, nagsimula sa kanyang paglalakbay gamit ang temporary visa nang walang local experience o koneksyon — isang karaniwang kwento para sa maraming migranteng engineer.

Ano ang kailangang gawin ng mga engineer mula sa ibang bansa upang kilalakin ang kanilang kwalipikasyon sa Australia?

Si Shellie McDonald ay Senior Manager ng Engineering Talent sa Engineers Australia, ang opisyal na kinikilalang ahensya ng gobyerno na nagsusuri ng kakayahan at kasanayan sa propesyon ng engineering.

Ayon sa kanya, ang pagpapatunay ng kwalipikasyon mula sa ibang bansa ay isang komplikado ngunit mahalagang unang hakbang.
Recognition of overseas qualifications is complex. Obtaining a visa and having your qualifications assessed for engineering work are two different processes.
Shellie McDonald
Sa nakaraang financial year, 28,000 na mga engineer mula sa ibang bansa ang nag-apply ng recognition para sa kanilang kwalipikasyon. May mga internasyonal na pamantayan o standard, ngunit nagkakaiba-iba ang patakaran at proseso ng pagpaparehistro sa bawat estado.
Naishadh Gadani works as a career counsellor at Monash University,.jpg
Naishadh Gadani works as a career counsellor at Monash University.

Kailangan ba ng rehistro upang makapagtrabaho bilang engineer sa Australia?

Depende sa regulasyon ng estado. Sa ilang lugar, kailangan talagang rehistrado ang mga , habang engineers sa iba naman ay hindi ito required. Sa kabila nito, napakahalaga ng pagkilala o pagrecognise ng kwalipikasyon mula sa Engineers Australia para sa pag-abot ng mas magagandang career opportunities.

Bakit nahihirapang makahanap ng trabaho ang mga migranteng engineers sa Australia?

Bago niya nakuha ang kanyang unang trabaho bilang engineer, nag-apply si Hannah sa mahigit 100 posisyon, karamihan ay mga entry-level na graduate roles.

“I didn’t hear anything back. I had maybe one or two interviews, but then rejection after rejection."
Ang kakulangan sa karanasan sa Australia, kasama ang limitadong professional network, ay madalas nagreresulta sa paulit-ulit na rejection sa trabaho, kahit para sa mga highly qualified na engineer.

Paano dapat isulat ng mga engineer ang kanilang CV para sa job market sa Australia?

Ayon kay Naishadh Gadani, isang career counsellor at dating engineer, ang mga CV sa Australia ay dapat evidence-based.
Don’t just say you have project management experience” — show it she explains. “[For example,] 'managed $10 million infrastructure projects over five years.’ That’s what employers want to see.
Naishadh Gadani
Ang isang result-focused CV ay kadalasang susi para mapansin ng mga employer.
Shellie McDonald, Senior Manager of Engineering Talent at Engineers Australia.jpg
Shellie McDonald, Senior Manager of Engineering Talent at Engineers Australia.

Gaano kahalaga ang networking para sa migrant engineers?

Ayon kay Hannah, hindi niya nakuha ang unang engineering opportunity sa pamamagitan ng mga job application, kundi habang nagtatrabaho sa isang pabrika ng tsokolate sa Adelaide. Napansin ng management ang kanyang technical skills, at hinikayat siyang mag-apply sa isang engineering role nang ito’y mabuksan.
Because you’re an immigrant, you studied somewhere else, you don't have that network of professionals that can recommend you…That's the biggest challenge for immigrants.
Hannah Talebi
Sa pamamagitan ng networking, nagkaroon si Hannah ng pagkakataong mairekomenda para sa mga oportunidad na hindi lumalabas sa mga job board.

Ano ang tinatawag na "hidden job market" para sa mga inhenyero sa Australia?

Itinuro ni Naishadh Gadani na humigit-kumulang tatlong-kapat ng mga trabaho ay hindi na-a-advertise. Mas gusto ng mga employer ang referrals dahil magastos at matrabaho o time-consuming ang proseso ng recruitment.

Ibig sabihin, kasinghalaga ng online application ang pagkakaroon ng maayos na networking.

“Talk to people,” Hannah advises. “You never know who’s going to be that one person who helps you. And you won’t find that person if you stay in your bubble.”
Disclaimer: Ang impormasyong nasa artikulong ito ay ibinigay bilang pangkalahatang halimbawa at tama sa oras ng paglalathala. Para sa pinakabagong at mas detalyadong impormasyon, makabubuting sumangguni sa mga opisyal na ahensya gaya ng Engineers Australia at Australian Government Department of Home Affairs. Hinihikayat ang bawat isa na kumuha ng payong akma sa kanilang personal na sitwasyon.

📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand