Dumating si Berhan Ahmed sa Australia mula sa Sudan bilang refugee noong 1980. Ikinuwento niya sa SBS Examines na naging maayos ang kanyang paninirahan sa bansa, kahit nakaranas siya ng diskriminasyon sa kanyang bagong tahanan.
Pagdating niya, mabilis siyang nakahanap ng trabaho sa isang pabrika.
"Australia, at the time I came, was a manufacturing economy ... they need our muscles, they don’t need our mind ... so in that space it was easy to do that," sabi niya.
Ngayon, naniniwala siya na mas napapahirapan ang mga refugee na makapagsimula ng bagong buhay dahil sa paghina ng mga trabaho sa mga pabrika sa Australia. Dahil dito, mas mahirap makahanap ng trabaho lalo na para sa mga walang pormal na edukasyon o hindi matatas magsalita ng Ingles.
"It is changing, and we are assuming the refugee has also changed, but no – they're the same," ayon kay Ahmed.
"I see people going through that ... the system has not been upgraded."
Sa episode na ito, pag-uusapan natin kung paano nagbago ang pakikitungo ng Australia sa mga refugee.
RELATED CONTENT:

SBS Examines sa wikang Filipino
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.




