Si Dr Jordan McSwiney ay isang senior research fellow sa Centre for Deliberative Democracy sa University of Canberra.
Sinabi niya sa SBS Examines na ang kasalukuyang kalagayang pampulitika kabilang ang pagtaas ng gastusin sa araw-araw, mga krisis sa sa iba't ibang bansa, ang teroristang pag-atake sa bansa, at hindi pagkakaisa sa loob ng Liberal-National Coalition ay mga salik na maaaring magbigay daan para sa mas magandang pagganap ng One Nation Party.
"Did I ever anticipate the polling spike would be so big and so quick? No, not really. I don’t think anyone really did," aniya.
Ipinakita ng isang kamakailang Newspoll na ang One Nation na ngayon ang may pinakamataas na primary vote sa Queensland, na nasa 30 porsyento—mas mataas kumpara sa Labor na may 27 porsyento, at Coalition na may 23 porsyento.
Noong unang bahagi ng Pebrero, isang pambansang Newspoll na inilathala ng The Australian ang nag-ulat na ang partido ay may 27 porsyentong primary vote—mas mababa kaysa sa Labor na may 33 porsyento, ngunit mas mataas naman kaysa sa Coalition na may 18 porsyento.
Ayon kay Rod Caddies, lider ng One Nation sa Western Australia, sinabi niya sa SBS Examines na ang kamakailang tagumpay ng partido ay resulta ng tinatawag niyang “perfect storm.”
Isang pamilyar na kwento
May kaparehong pangyayari noong 2016, nang muling mahalal si Pauline Hanson sa Parliament matapos ang 18 taon, kasunod ng Lindt Cafe siege terror attack.
Sinabi ni McSwiney, si Hanson ay: "effective at inserting herself into that narrative ... so again here, [she is] leveraging the Bondi discourse to talk about things like national security and immigration, which are obviously key issues that One Nation has quite a lot of issue ownership over."
Sa episode na ito ng SBS Examines, tinatalakay natin kung bakit mabilis tumataas ang suporta para sa One Nation?
RELATED CONTENT:

SBS Examines sa wikang Filipino
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.






