SBS Examines: 'Banta na hindi nakikita ng iba': First Nations sa Australia, laging nakararanas ng racism

Understanding Hate header

Indigenous Australians' experiences of racism have increased over the past decade. Credit: Tamati Smith via Canva

Tumaas ang racism laban sa mga Katutubong Australyano sa nakaraang sampung taon. Maaaring makatulong ang mga kabataan at mga komunidad na may iba't ibang kultura na baguhin ito.


Noong Hunyo, naglabas ang Reconciliation Australia ng ulat na nagsasabing tumaas ng 15 per cent ang karanasan ng mga Indigenous sa racism sa nakaraang sampung taon.

Napag-alaman sa ulat na ang racism ay pang-araw-araw na realidad para sa mga First Nation.

Ayon kay Kelleigh Ryan, isang psychologist at inapo ng mga Kabi Kabi at Australian South Sea Islanders, maraming hamon ang dulot ng pagkabigo ng Voice Referendum para sa mga First Nation.

"It was a great loss. And so it became this invisible blanket of aggression that people had a lot of difficulty with and those who didn't have time and space to grieve were still having to work through that grief," aniya.

Natuklasan ng pananaliksik ng Reconciliation Australia na ang mga kabataan at mga komunidad na may iba't ibang kultura ang pinakaaktibo sa pagsasagawa ng mga gawain ng pagbabahagi ng katotohanan at pagdiriwang ng kultura ng mga First Nation.

Si Jordan Young, isang Darambal, ay nagsasagawa ng mga workshop na nagtuturo ng Indigenous culture sa mga paaralan at negosyo. Sinabi niya sa SBS Examines na nakatulong ito upang masira ang mga negatibong stereotype.
You're not born with racism, it's a learned trait.
"So being able to give these kids another viewpoint, another perspective on Aboriginal culture, is very, very important."

Tinatalakay sa episode na ito ng Understanding Hate ang pagtaas ng racism laban sa mga Indigenous Australian at kung paano maaaring labanan ang mga negatibong epekto nito.
📢 Where to Catch SBS Filipino

🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.

📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.

📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand