Nakipag-usap ang SBS Examines sa iba’t ibang organisasyon na nangangalap at nag-uulat ng datos tungkol sa kalagayan ng pagkakaisa sa Australia.
May malinaw na pagtaas sa mga naiulat na insidente ng hatred o galit, kabilang ang verbal at pisikal na pang-aabuso.
Ayon kay Propesor Nick Haslam, isang psychologist mula sa University of Melbourne, sinabi niya sa SBS Examines, "people differ a lot in what they define as being hateful."
"For instance, some people are much more likely to see the use of racial slurs as being intrinsically hateful and violent, other people less. So there's a huge amount of disagreement about what sort of speech qualifies as hateful or not hateful."
Mas mataas na kamalayan at pag-unawa tungkol sa hate speech ang maaaring isa sa mga dahilan kung bakit dumarami ang mga ulat.
Pero may isa pang malaking salik na nakakaapekto.
Mabilis na lumaganap ang online abuse, at nananawagan ang mga eksperto na kumilos ang social media companies para pigilan ang sadyang pagpapalaganap ng galit sa kanilang mga platform.
Ayon kay Associate Professor Matteo Vergani, isang sociologist at director ng Tackling Hate Lab, may tunay na epekto sa totoong buhay ang online hate.
It's changing norms. I think we are witnessing a cultural change, because society is fragmenting.
"People are exposing themselves more and more, especially online, to groups that normalise hate and polarise opinions," aniya.
Ang Understanding Hate episode na ito ay tungkol sa ilang dahilan ng pagdami ng mga ulat ng hatred o galit sa Australia.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.