Ipinakita sa mga pagdinig ng Royal Commission on Antisemitism and Social Cohesion na maraming biktima at sangkot sa mga insidente ng antisemitism sa Australia ay mga bata. Paano ito dapat ipaliwanag at talakayin sa paraang naaangkop sa kanilang edad?
Ayon sa clinical psychologist na si Amanda Gordon, dumarami ang mga pamilyang humihingi ng payo kung paano kakausapin ang kanilang mga anak tungkol sa antisemitism.
Children are coming in with questions like: Why do people hate Jews? Are we safe? Why are there guards at our school?
Sinabi naman ni early childhood educator na si Olga Weintraub Elia na kahit ang mga batang nasa murang edad pa lamang ay kayang maunawaan ang kahalagahan ng kabutihan at paggalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao.
"You don't need to provide some political explanations, but you can talk about fairness, being kind, being respectful," aniya.
Ayon kay Shoshana, isang guro ng mga estudyante sa high school, mas mahirap minsan ang pagtalakay ng ganitong usapin sa mga teenager.
It's not if they've seen antisemitism, it's when they've seen antisemitism.
Sinabi niya na madalas magbahagi ang kanyang mga estudyante ng mga biro o meme online nang hindi nila alam na may pinagmulan itong antisemitic.
"You have to be able to just talk to them about it, frankly ... model to them what rational thought looks like when it comes to things like antisemitism and racism."
Sa episode ngayong linggo ng SBS Examines, tinatalakay kung paano dapat kausapin ang mga bata tungkol sa antisemitism?
Kung kailangan mo ng suporta sa panahon ng krisis, maaaring tumawag sa Lifeline sa 13 11 14. Para naman sa mga kabataan hanggang 25 taong gulang, maaaring tumawag sa Kids Helpline sa 1800 55 1800.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





