Noong Pebrero, ipinasa ng Pederal na Parlamento ang Criminal Code Amendment (Hate Crimes) Bill, na nagbabago sa mga umiiral na probisyon tungkol sa hate crime sa Criminal Code Act ng 1995.
Inilahad ang panukalang batas sa Parlamento noong nakaraang taon ni Federal Labor MP at dating Attorney-General na si Mark Dreyfus.
Ayon sa kanya, susuportahan ng mga bagong proteksyon ang kakayahan ng mga awtoridad na maagapan ang mga gawain ng karahasan sa maagang yugto.
With these laws, we are sending a clear signal to those who seek to divide us. There is no place in this country for hate speech and other hateful conduct that urges or threatens violence against others.
Ngunit ayon sa ilang eksperto, kailangan pang dagdagan ang mga hakbang upang mas masuportahan ang mga apektadong komunidad.
Bilang paghahanda sa International Day for Countering Hate Speech sa Hunyo 18, tinatalakay natin kung paano mapoprotektahan ng bagong mga batas ng Australia ang mga tao laban sa hate speech at epekto nito sa ating lipunan, at kung ano pa ang maaaring gawin.
RELATED CONTENT:

SBS Examines sa wikang Filipino
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.