Halos kalahati ng mga Australyano — 49% — ang naniniwala na masyadong mataas ang bilang ng mga imigrante.
Ayon ito sa pinakabagong ulat ng Scanlon Foundation na sumusukat sa pagkakaisa ng lipunan sa Australia.
Sabi ni Dr. James O'Donnell mula sa Australian National University, kahit kadalasan positibo ang pananaw natin sa epekto ng migrasyon, naaapektuhan ito kapag may kahirapan sa ekonomiya.
"When people are worried about the economy and when they themselves experience unemployment, financial stress, their attitudes towards migration deteriorate a little bit. They're more likely to say things like migrants increase house prices, or they take away jobs," aniya.
Pero totoo nga ba ang mga paniniwalang ito? At paano nito naaapektuhan ang mga migrante at refugee?
Sa episode na ito ng Understanding Hate, tatalakayin natin kung paano tina-target ng maling impormasyon ang mga migrante, at paano natin pwedeng labanan ang mga ito.
RELATED CONTENT:

SBS Examines sa wikang Filipino
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.