Dahil sa COVID-19 tila lalong napaaga ang desisyong ito ng maraming tao, base sa pinakitang huling datos ng ABS kung saan maraming malal aking mga siyudad ang naapektuhan. Naitala noong Setyembre ang pinakamalaking quarterly net loss, nasa 11,000 na katao ang lumilipat para manirahan sa mga rehiyon na bayan.
Narito ang ilang bagay na dapat pag-isipan bago lumipat ng lugar.
Highlight
- Mahigit 11,000 katao ang nilisan ang mga malalaking siyudad ng Australia para manirahan sa mga rehiyonal na lugar noong quarter ng September.
- Sa tala ng ABS, Queensland ang may pinakanakinabang, nadagdagan ng 7,200 ang bilang ng mga tao sa estado sa parehong same quarter.
- Napag-alaman sa REA Insights property data mula noong Abril, tumaas ng mahigit 130 porsyento ang bilang mga taga-Victoria na nagtatanong patungkol sa bahay at lupa sa Queensland.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN