Bumisita ang SBS Examines sa Shepparton, isang regional city na tahanan ng mahigit 30 iba't ibang wika, upang makilala ang ilan sa mga taong nagbibigay-buhay sa masigla at makulay nitong komunidad.
Ayon sa 2021 Census, kabilang ang India, Italy, Afghanistan, Pilipinas, Malaysia, at Iraq sa mga bansang pinagmulan ng pinakamaraming residente ng Shepparton.
Mula noon, patuloy pang lumago ang komunidad sa pagdating ng mga bagong migranteng nagmula sa iba't ibang bansa sa Africa at iba pang panig ng mundo.
Isa si Jean-Marie Mupenda sa mga ito. Lumaki siya sa Congo at 19 na taon nang naninirahan sa Australia. Nang una siyang dumating sa Shepparton, humigit-kumulang 10 pamilya pa lamang mula sa Congo ang naninirahan sa lugar. Sa kasalukuyan, mahigit 100 pamilya na ang bumubuo sa kanilang komunidad.
Layunin niyang hindi lamang pag-isahin ang komunidad ng mga Congolese, kundi maging ang buong komunidad ng Shepparton.
Kabilang dito ang kanyang lokal na kongregasyon, kung saan pinangungunahan ni Pastor Matthias Prenzler ang mga gawain at pagsamba ng simbahan.
"We worship bilingually, so you'll hear parts of the service in English ... but parts will be in Swahili or in Kurundi, or in other languages," saad niya sa SBS Examines.
Ilang minuto lamang ang layo mula sa sentro ng Shepparton, nagtatanim si Dhami Singh ng zucchini sa isang 200-acre na sakahan.
Lumipat siya mula India patungong Sydney noong 2008. Ngunit kalaunan ay nahulog ang loob niya sa Shepparton, kaya't doon na siya nanirahan at nananatili hanggang ngayon.
"Sometimes I feel like God is just trying to do a practical [joke], like we'll see how many of them can live together... we have about six mosques in town, two Sikh temples, so many churches... we have never had an issue," pahayag niya sa SBS Examines.
"It's just an honour to be living in this small community and getting love from everyone."
Sa episode na ito, makakausap ng SBS Examines ang ilan sa mga residente ng Shepparton upang alamin kung paano umaangkop ang regional city na ito sa patuloy na pagbabago ng komposisyon ng populasyon nito.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





