Hinarap ng mga social media company ang Royal Commission on Antisemitism and Social Cohesion para ipaliwanag kung paano nila mino-moderate ang mapaminsalang content sa kanilang mga platform. Pero ayon sa mga eksperto, marami pa rin tayong hindi alam tungkol sa kung paano talaga ito ginagawa.
Si Professor Daniel Angus ng Digital Media Research Centre sa Queensland University of Technology, sinabi sa SBS Examines na karamihan ng content moderation sa social media ay ginagawa sa likod ng mga saradong pinto.
At sa ilalim ng kasalukuyang batas sa Australia, wala ring obligasyon ang mga platform na pigilan ang pagkalat ng hateful content.
The platforms are kind of free to do what they want.Prof Daniel Angus, director of the Digital Media Research Centre, Queensland University of Technology
Nangako ang Federal Government na magpapatupad ng Digital Duty of Care, na maglalagay ng mas malaking responsibilidad sa mga social media company na pigilan ang mapaminsala at mapanirang content bago pa ito kumalat.
Pero ginagawa pa rin ang batas, at ayon sa Royal Commission, halos dalawang taon pa bago ito maisabatas.
Ngayong linggo sa SBS Examines: Sino nga ba ang dapat pumigil sa pagkalat ng hate online? At posible nga ba itong magawa?
Ang episode na ito ay ginawa sa pakikipagtulungan ng SBS Punjabi.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube





