Bibigyang daan din ang pagbabalik ng normal na operasyon sa mga eskuwelahan.
Maaari na ring pumasok muli sa eskuwelahan at mga paaralang kindy ang mga magulang ng mga mag-aaral, gayun din ang mga boluntaryo, ang mga suportang serbisyo ng mga departamento at iba pang nagbibigay serbisyo at ito ay sa kondisyong umaalinsunod sa payong pangkalusugan.
HIGHLIGHTS:
- Papahintulutan na ang face-to-face na na klase
- Hindi na din ipagbabawal ang mga intra-state na mga camping at ekskursiyon, atleta at pagbabanda
- Wala nang limit sa bilang ng tao na papayagang magtitipon sa isang kuwarto subalit ang regulasyon ay base sa isang tao bawat apat na metro kuwadrado
Nakatakdang buskan ang border ng South Australia sa ika 20 ng Hulyo kung kaya makikipagkonsulta ang departamento ng edukasyon sa South Australian Health ukol sa inter-state school camps para magbigay ng karagdagang payo para sa mga paaralan.
BASAHIN / PAKINGGAN DIN





