Ibinahagi niya na pakiramdam niya’y espesyal siya sa paraang ang kanyang asawa at anak ay iniingatan siya.
Ang mabuting asawa at mapagmahal na ina ay nagpahayag na pakiramdam niya’y isa siyang tunay na babae sa piling ng dalawang lalakeng ito.
Pinaniniwalaan ni Divina na ang pagkakaisa nila bilang pamilya ang naging daan para harapin at malagpasan nila ang malalaking problema.
Taos-puso ang kanyang pasasalamat na ang kanyang asawa ay hindi siya sinasaktan at ang kanyang anak ay napakabuti sa kanya.
“Sa iyo Noe, sa aking pinakamamahal na asawa, alam kong hindi ka perpekto pero para sa akin perpekto ka na dahil hindi mo ko sinasaktan, hindi mo ko kinokontrol,” mensahe ni Divina sa kanyang asawa.
“At sa’yo naman Dave, hindi ko na hinihiling na manalo ako ng Lotto kasi parang nanalo na rin ako. Napakabait mo,” pahayag ng Pilipinang-Australyanang ina sa kanyang anak.



