Malaking problema sa Australya ang 'homelessness' o "kawalan ng tahanan" at ibinahagi ni Rebecca Scott, ang co-founder at CEO ng STREAT, kung paano nakatulong ang pagkain sa mga kabataang Australyano upang maihawi ang daan tungo sa mas mabuting kinabukasan. Image: Unang Pop-Up restawran sa Federation Square, Melbourne (STREAT)
Marso 2010 ng binuksan ng STREAT ang una nitong pop-up restaurant sa Federation Square sa Melbourne na may siyam na kabataan walang matuluyan at direksiyon para kinabukasan. Ngayon, naghahanda sila upang buksan ang kanilang 'academy for youth' sa Collingwood, Melbourne upang maging lugar kung saan magsasanay ang mga kabataan para maging barista, chef at baker. Nais nitong matulungan ang may 400 kabataang Australyano magkapag sanay sa larangan ng hospitality.
Share




