Key Points
- Karaniwang ang isang financial year o tax year sa Australia ay mula July 1 hanggang June 30, at dapat mag-file ng tax return bago ang October 31.
- Pwede kang mag-file online gamit ang myGov portal na konektado sa Australian Taxation Office (ATO) o humingi ng tulong sa isang registered Tax Agent.
- Siguraduhing ang mga gastos na i-claim mo ay related sa trabaho at may resibo o proof iyong mga deductions.
Ang tax return ay isang pormal na dokumento na isinusumite mo sa gobyerno ng Australia para ipakita kung magkano ang kinita mo at kung magkano ang buwis na nabayaran mo sa loob ng isang taon.
Sa pamamagitan ng tax return, malalaman ng Australian Taxation Office (ATO) kung sobra ang binayaran mong buwis, kaya puwede kang makatanggap ng refund, ibig sabihin, ibabalik nila sa’yo ang sobra mong bayad. Pero kung kulang naman ang buwis na nabayaran mo, kailangan mong magbayad ng dagdag.
Pakinggan ang podcast para sa mga gabay at mga detalye sa tamang pag-lodge ng tax return.
RELATED CONTENT

What deductions can I claim on my tax return?
Ang mga impormasyong ibinahagi at paliwanag sa podcast na ito ay pangkalahatang gabay lamang. Para sa payong naaangkop sa iyong personal na sitwasyon, makipag-ugnayan sa isang rehistradong tax agent sa Australia o bisitahin ang website ng ATO.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.