Key Points
- Lumabas sa isang bagong modern slavery report na kinomisyon ng New South Wales Anti-slavery Commission ang mga exploitation o pang-aabuso na dinanas ng mga pansamantalang migranteng manggagawa sa mga rural at regional na bahagi ng Australia.
- Napag-alaman din na nahaharap sa panganib ng modern slavery ang mga temporary migrant workers sa industriya ng agrikultura, horticulture at meat processing.
- Kabilang dito ang debt bondage o sapilitang pagtatrabaho dahil may utang sa employer, deceptive recruiting o naloloko sa recruitment, forced labour at sa may mga matitinding kaso ng servitude o ginagawang alipin sa paniniwalang wala itong karapatan gayundin ang sexual servitude at human trafficking.