Hayskul pa lamang si Rene Tinapay nang siya ay magsimulang magsulat ng sarili niyang mga awitin. Mula sa mga simpleng tema na pang-pamilya hanggang sa mga isyu patungkol sa lipunan hanggang sa siya ay naging abala sa pag-awit ng cover songs.
Taong 2010 nang muling balikan ni G. Tinapay ang sarili niyang mga komposisyon. "Meron akong kanta, 'yung "Mano Po", tungkol sa nakagisnan natin na pagmamano bilang paggalang sa mga nakatatanda, na ngayon ay halos hindi na ginagawa ng mga kabataan," lahad ng musikero.
Mga Highlight
- Maraming katangian, tulad ng pagiging malikhain, na likas sa mga Pilipino na patuloy nating nakikita sa henerasyon ngayon.
- Maaari nating gamitin ang pagkamalikhain sa pagpapanatili ng mga natatanging kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano at respeto sa nakatatanda.
- Sa pamamagitan ng sariling mga awitin at musika, hangad ni Rene Tinapay na makatulong sa pagtataguyod ng kulturang Pilipino.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN