Pagiging isang lider sa panahon ng pandemya

International Students

Hope Dolino (middle, wearing eyeglasses) sharing her experiences to international students. Source: Supplied

Bago pa man ang pandemya, marami ng hamon ang kinakaharap ng mga international student. Ngunit hindi ito dahilan upang lalong palakasin ang loob at makatulong sa iba sa pamamagitan ng iyong kakayahan na mamuno.


Sa kauna-unahang digital conference na gagawin ng Council of International Students Australia (CISA), ibabahagi ng dating international student na si Hope Dolino ang kanyang kaalaman at mga naging karanasan para sa paghahanap ng mga oportunidad kung paano mailalabas ang kakayahan ng isang estudyante na mamuno sa gitna ng pandemya.

"In a nutshell, it will be about owning your power. Recognising your skills, your strength, weaknesses, how you can actually leverage that to bring out your inner leader and how you can be of better service to others  by being your authentic self,” lahad ng Programs Manager ng Practera sa Melbourne na si Hope Dolino.


 

Mga highlight

  • Sa kauna-unahang Digitial Summit na gagawin ng Council of International Students Australia, ilang workshop ang ibabahagi sa mga international students upang lalo silang mapalakas at matulungan lalo na sa gitna ng pandemya.
  • Layunin na makatulong na mailabas ng mga international student ang kanilang natatanging kakayahan sa pamumuno.
  • Gamitin ang iyong kakayahang mamuno para makatulong sa mga kapwa international student.

Ang Practera ay lumilikha ng mga oportunidad para sa mga tao, kasama na ang mga estudyante, sa buong Australya para ma-akses ang mga tinatawag na "experiential learning".
Practera experiential learning
Hope Dolino in an Information Session for Practera. Source: Supplied
Samantala, sa ika-10 ng CISA, patuloy silang nagbibigay ng mga mga oportunidad para sa international student, at sa taong ito, sa kanilang libreng online conference, ilang workshop at talakayan ang maaaring salihan ng mga estudyante sa kanilang CISA Conference Digital Summit 2020.

Bago ang gagawing "Unleash your Inner Leader" talk na bahagi ng CISA Conference sa taong ito, ibinahagi ni Hope Dolino ang ilang payo para sa mga international student sa paghahanap ng mga oportunidad.

1. Maghanap ng mga oportunidad na makakatulong sa inyo upang linangin ang inyong kakayahan at kaalaman.

2. Makipag-ugnayan sa mga tao. Magbibigay ito ng koneksyon na maaaring makatulong sa inyo sa paghahanap ng mga oportunidad.

3. Panatilihin ang mga relasyon na inyong nabuo upang sa gayon makapagpalitan ng mga pagkakataon hindi lamang para sa sarili kundi para din sa iba.

4. Ibalik ang tulong na natanggap. Ibahagi rin ang inyong kaalaman sa iba para makatulong.

Maaaring makibahagi sa mga workshops at talakayan na gagawin ng CISA ngayong Hulyo 15-17. 

BASAHIN DIN / PAKINGGAN

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Pagiging isang lider sa panahon ng pandemya | SBS Filipino