Key Points
- Sa Australia, obligasyon ng mga may-ari ng aso at pusa ang magpa-microchip at magparehistro ng kanilang alaga—dalawang magkaibang proseso na dapat pareho mong gawin.
- Kasama sa plano sa kalusugan ng alaga ang regular na check-up, pangangalaga sa ngipin, bakuna, at paggamot sa anumang matagalang karamdaman.
- Ang pag-aalaga ng hayop ay responsibilidad na dapat pagdesisyunan nang may sapat na kaalaman ng lahat ng miyembro ng pamilya na kasali sa kanilang pangangalaga. Mahalagang bahagi ng buhay ng maraming Australyano ang mga alagang hayop.
Itinuturing na pamilya ng maraming Australyano ang kanilang mga alagang hayop— sa katunayan dalawa sa tatlong household ay may isang alagang hayop.
Sa Australia, may umiiral na batas na namamahala sa pag-aalaga ng mga aso at pusa.



Pet ownership sa bawat estato/teritoryo
- New South Wales
- Australian Capital Territory
- Victoria
- South Australia
- Western Australia
- Tasmania
- Queensland
- Northern Territory

Mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa alagang hayop:
- Mahalaga ang paggamot laban sa bulate at garapata para sa mga alagang nasa loob man o labas ng bahay.
- Ang 'dry nose' sa aso ay hindi palaging kakaiba at hindi rin agad senyales na sila’y may sakit.
- Hindi laging napapalanding nang maayos sa paa ang mga pusa.
- Ang pag-ungol ng pusa o pag-ikot ng buntot ng aso ay maaaring dahil sa iba’t ibang damdamin—hindi palaging tanda ng kasiyahan.

Kung hindi ka sigurado sa mga lokal na batas na may kinalaman sa iyong alaga, o kung may kinahaharap kang legal na isyu bilang pet owner, maaari kang makipag-ugnayan sa Animal Defenders Office para sa payo.
Kung kailangan mo ng tulong para sa gamutan at pangangalaga ng iyong alaga, o kung iniisip mo na ibigay ito sa iba, bisitahin ang RSPCA website ng iyong estado o teritoryo para sa impormasyon at mga programang makakatulong.
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mas marami pang mahalagang impormasyon at tips sa paggsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o ideya ka ba ng paksa? Ipadala ito sa australiaexplained@sbs.com.au.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.








