Key Points
- Nahaharap sa iba't ibang hamon ang mga migrante lalo na ang mga kababaihan.
- May aral sa likod ng bawat kwentong naisusulat sa magkakaibang wika.
- Pagmamahal sa pamilya ang karaniwang tema para sa bawat kwento ng mga migranteng Pilipino.
Mga hamon
Isang hamon para sa maraming migranteng kababaihan ang paninirahan at pakikisalamuha sa isang bagong bansa.
"Based on our own experience of moving from overseas to Australia, we realised that it is really hard to get to know people and build connections for women especially," pahayag ni Novela Corda, isang migrante mula India.
Sa mga naranasan ni Novela at ng kaibigang si Maia Saxena na mga hamon sa paninirahan sa isang bagong bansa at kung paano makakilala ng ibang tao at magkaroon ng tamang koneksyon, naisipan nilang itatag ang Key Into Australia (KIA).
Hangad ng kanilang kawanggawa na makatulong sa mga katulad nilang kababaihang migrante na makahanap ng mga oportunidad gaya ng trabaho at magkaroon ng ugnayan sa iba.
"Usually you tend to stick with you own community, say the Indian or Filipino community, but for me, I was not living in an area where there were a lot of Indian people so it was hard for me," lahad ni Novela.

Key Into Australia is a community of international and local women in Sydney who support each other to find connection, get support for job opportunities and support others. Credit: Key Into Australia (Facebook)
Kaya naman ng bubuin nila ang KIA, ibinukas nila ito sa lahat ng kababaihan na mula sa iba't ibang pinagmulang kultura.
Malayang pagbabahagi ng kwento ng migrasyon
Isa sa mga programa na sinimulan nina Saxena at Corda ang "The Touch Set Free", isang workshop na ginawa online noong kalagitnaan ng pandemya para kahit paano magkaroon ng koneksyon.
"During the pandemic, we kept our program going online for members to get connected with each other spreading information in different languages,"
"We created this program where women can come together and write their stories."
Sa porma ng flash fiction ginawa ang pagsusulat kung saan ang mga kwentong isinusulat ay maikli lamang at unang ginawa sa wikang Ingles.
"We had a very successful round in English where we've done many workshops, write stories about their experiences back home and here [Australia]," kwento ni Novela.
At dahil na rin sa tagumpay ng proyekto, naisipan ng grupo nila Novela Corda na magkaroon ng iba't ibang bersyon ang 'The Tongue Set Free' sa iba't ibang wika.
"We're taking this program to different languages. We have Arabic writing group, Mandarin. We will also do one in Filipino, Spanish and Sinhalese."

myTIA is a group of women supporting women through entrepreneurship and believing in the power of inclusion and diversity. Credit: Supplied by Grace Panlican
Kwento ng mga kababaihang Pilipino
Magkakaiba man ang wika na ginamit sa mga pagsusulat ng kwento bilang parte ng proyektong 'The Touch Set Free', may natatanging tema naman ang kwento ng mga isinulat na kwento ng mga kababaihang kalahok.
Sa wokrshop sa wikang Ingles, tahanan ang isa sa pangunahing sentro ng mga isinulat ng mga kwento ng mga kababaihan.
"Every woman spoke about their childhood very fondly. They remember the kitchen in their homes, their mothers and grandmothers. They also remember the food and smells," ani Novela.
Isa si Grace Panlican sa mga lumahok sa Ingles na bersyon ng pagsusulat ng kwento. Tulad ng ibang lumahok, isinulat din nito ang tungkol sa pinagmulang bayan sa Tarlac at ang kung paano napadpad sa Australia bilang isang international student.
"Hinugot ko ang kwento ko mula sa aking pinagmulan sa Capas, Tarlac. Binalikan ko ang payak na pinagmulan ko at ini-ugnay ko ito sa aking paglipat sa Australia," masayang kwento ng isa sa mga nagtatag ng myTitas in Australia (myTIA).
"Iba kapag kinukwento mo siya sa isinusulat mo at nababalikan ang mga napagdaanan mo. Lagi pa rin nating hinahanap ang ating koneksyon sa bansang ating sinilingan," bigay-diin ng myTIA founder.
"Ang sarap sariwain ang masayang pinagmulan ko at malayang maisulat ito."
Sa pakikipagtulungan sa Key Into Australia, isasagawa ng myTIA nitong Sabado ang 'The Tongue Set Free: Malayang Pagsusulat ng Kwento ng Migrasyon ng mga Kababaihan sa Wikang Filipino" .

How to listen to this podcast episode. Credit: SBS Filipino
"Isang pagkakataon din na pagyamanin ang ganda ng sarili nating wika."
Itinapat ng myTIA ang The Tongue Set Free sa wikang Pilipino na gagawin sa Green Square Library sa Zetland, NSW nitong ika-20 ng Agosto bilang pakikibahagi sa mga kapwa Pilipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Hangad ni Grace na mabasa at marinig ang kwento ng ibang mga kababaihang Pinoy sa kanilang gagawing workshop na sa tingin nito "pagtulong sa pamilya ang isa sa mga pangunahing pagkakapareho sa kwento ng mga Pilipino."