Nabuo noong taong 2018, ang ‘myTIA’ (My Titas in Australia) ay isa na ngayong social enterprise, nagsasagawa ng mga workshop na makakatulong sa mga kababaihan na nagnenegosyo sa Australia at sa Pilipinas.
“The kind of empowerment that we want to give is through entrepreneurship. I know it’s not for everyone but it’s something. Like, if you are your own boss, you are actually empowered,” ani Grace Panlican, founder ng myTIA.
Highlight
- Grupo ng mga tiyahin na taga-Sydney, nagbibigay-lakas sa ibang mga kababaihan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.
- Sa kanilang 'myTIA' gift boxes, tampok nila ang mga produkto na gawa ng mga kababaihang Pilipino.
- 50% ng kita ng kanilang social enterprise ay mapupunta sa grupo ng mga kababaihang micro entreprenuers sa Pilipinas.
Mga babaeng sumusuporta sa kapwa mga kababaihan
Bahagi ng social enterprise ng myTIA ang paghahanap ng mga kababaihan na nagnenegosyo.
"We continually look for a network of women particularly those Filipinos and women-owned businesses," kwento ng nagtatag ng myTIA.
Sa kanilang mga unang lingguhang pagtitipon bago ng pandemya, nabuo ang mas malawak na hangarin na suportahan ang mga kapwa Pinay na walang mga anak.
"Alam namin na may mga mothers' group na, pero n'ung nagsisimula pa lamang kami, wala pa noong grupo ng mga titas sa Sydney. Kaya naisip namin na buuin ang myTIA," pahayag ni Panlican, na isang tiya pero walang sariling anak.
Niyakap ng grupo ang kanilang pagiging mga PANKS (professional aunties no kids) kaya ang halos lahat nilang miyembro ay mga kababaihan na kundi dalaga'y may asawa pero walang mga anak.
Marami sa kanilang miyembro ay nasa edad 35-taong gulang pataas na may kanya-kanyang maliliit na negosyo.

These demographic of professional aunts no kids (PANKS) in Sydney embrace their 'titaness' while empowering other women. Source: Supplied by Grace Panlican
Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino
Sa kanilang inilatag na 10 taon na plano, kasama rito ang pagpapalawig ng kanilang kaalaman sa pagnenegosyo.
"We conduct workshops - like fashion styling, careers, business and entreprenuership - to support our members who have their own businesses or planning to put up their own," lahad ni Kathryn Garcia, isa sa Meetup co-organisers.
Itinatag din nila ang myTIABiz isang online selling platform na layuning suportahan ang mga Pilipinong kababaihan na nagnenegosyo dito sa Australia at sa Pilipinas.
"We wanted to curate all the products that’s why we come up with the myTIA gift boxes para sa ganun ma-promote ‘yung mga Filipino products na andito na sa Australia," ani Grace Panlican.

Samples of myTIA gift boxes. Source: Supplied by Grace Panlican
Tampok sa hanay ng mga giftboxes na ito ang mga produktong Pinoy, na magagamit sa pangangalaga at kapakanan ng mga kababaihan.
"We are integrating products that can focus on women's wellness and self-care while providing a platform for Filipino and women-owned businesses to promote their products," sabi ni Panlican.
Pagbabalik ng tulong sa Pilipinas
Sa kanilang tinatawag na passion project, 50 % ng kita mula sa myTIABiz ay mapupunta sa mga kababaihang benepisyaryo ng kanilang proyekto.
“It’s our way of giving back in the community. When the COVID-19 happened, we thought of reaching out to others and give back," pagbabahagi ni Panlican na dating nagtrabaho sa coop micro-finance industry sa Pinas.
Nakita ng grupo ang kahalagahan ng pagtulong sa mga tao na nasa grassroots level kung saan ang mga kababaihan ay binibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng sarili nilang maliit na negosyo para kumita para sa kanilang mga pamilya.
"We also have a collaboration with a business of small batch and sustainable Filipino-made products through the assistance of the Philippine Department of Trade and Industry (DTI)," saad ni Panlican.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN






