Key Points
- Ang treaty ay isang pormal na kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples.
- Para sa maraming First Nations people, ang treaty ay hakbang tungo sa katarungan, respeto, at mas maayos na ugnayan sa hinaharap.
- Ang isang pambansang treaty ay magiging iisang kasunduan para kilalanin ang mga karapatan ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander sa buong Australia.
- Ano ang pagkakaiba ng Aboriginal land rights, native title, at treaty?
- Ano ang ibig sabihin ng treaty sa Australia?
- Bakit mahalaga ang treaty?
- Ano ang maaaring laman ng isang treaty?
- Ano ang susunod na hakbang para sa treaty sa Australia?
Ang treaty ay isang pormal na kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples. Nilalayon nitong magtakda kung paano sila magtutulungan, kikilalanin ang karapatan at kasaysayan ng First Nations, at bubuo ng plano para sa kinabukasan.
Ang pag-unawa sa treaty ay isang makapangyarihang paraan para makaugnay sa kwento ng Australia. Hindi lang ito tungkol sa batas at politika, kundi tungkol sa respeto, katotohanan, at sa pagtatayo ng mas makatarungang lipunan para sa lahat ng naninirahan sa bansang ito.
Ano ang pagkakaiba ng Aboriginal land rights, native title, at treaty?
Bagama’t madalas na pinag-uusapan nang magkakasama, magkaiba ang ibig sabihin ng mga terminong ito:
- Land rights: Mga batas na ginawa ng pamahalaan na nagbabalik ng ilang bahagi ng Crown land sa mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples, na karaniwang pinamamahalaan ng mga land councils.
- Native title: Legal na pagkilala na ang ilang First Nations people ay may karapatan pa rin sa kanilang lupa at tubig batay sa kanilang tradisyunal na batas at kaugalian.
- Treaty: Isang pormal na kasunduan sa pagitan ng mga pamahalaan at ng mga First Nations peoples.
Sama-sama, layunin ng mga ito na magbigay ng katarungan, pagkilala, at sariling pagpapasya para sa mga First Nations peoples.

Protesters march from Parliament House to Flinders Street Station during the Treaty Before Voice Invasion Day Protest on January 26, 2023, in Melbourne, Australia. (Photo by Alexi J. Rosenfeld/Getty Images) Credit: Alexi J. Rosenfeld/Getty Images
Ano ang ibig sabihin ng treaty sa Australia?
Ang treaty ay isang legal na kasunduan na may bisa sa pagitan ng dalawang grupo. Sa mga bansang tulad ng New Zealand, nilagdaan ng gobyerno at mga Maori ang Treaty of Waitangi. Sa Canada naman, maraming mga kasunduan ang ginawa kasama ang mga First Nations peoples.
Hindi tulad ng ibang bansa, hindi gumawa ang Australia ng pambansang treaty kasama ang mga First Nations peoples noong panahon ng kolonisasyon ng mga British. Nang unang tumira ang mga British sa lupa ng Aboriginal, idineklara nila itong ‘terra nullius’ o lupa na walang may-ari. Kaya hindi nila nakita ang pangangailangan na makipagkasundo sa mga Aboriginal nation. Dahil hindi kailanman nagkaroon ng treaty, wala ring malawakang kasunduan tungkol sa patas na pagbabahagi ng lupa, yaman, o kapangyarihan sa pagpapasya — isang isyu na marami ang naniniwala na hindi pa tapos na usapan.
Para sa maraming First Nations people, ang “unfinished business” na ito ang dahilan kung bakit nananatiling malaking usapin ang treaty hanggang ngayon.
Ang mga usapan tungkol sa treaty dito ay tungkol sa pagkilala sa kasaysayan, pagpapatibay ng mga karapatan, at pagtitiyak na may tunay na boses ang mga komunidad ng First Nations sa mga desisyon. Ayon sa legal na eksperto na si Dr. Harry Hobbs:
“Ideally, treaties would be negotiated between Aboriginal and Torres Strait Islander communities on one side, and state and federal governments, that’s because the Australian constitution divides powers between the federal parliament and state parliaments.”
Nais ng mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples na magkaroon ng isang sama-samang kinabukasan, na nagpapalakas ng tagumpay para sa lahat at kinikilala at ipinagdiriwang ang kultura ng First Nations sa kasalukuyang Australia. Sa huli, ang treaty sa Australia ay tungkol sa tapat na pag-uusap tungkol sa nangyari noon at pagtatakda ng bagong direksyon para sa hinaharap.

(from left to right) Former Queensland Truth-Telling and Healing Inquiry chairperson Joshua Creamer, NSW Treaty Commissioner Naomi Moran and co-chair of the First Peoples' Assembly of Victoria Ngarra Murray. Credit: NITV / The Point
Bakit mahalaga ang treaty?
Maraming First Nations people ang tinitingnan ang treaty bilang hakbang patungo sa katarungan, respeto, at mas magandang relasyon sa hinaharap.
Ayon kay Reuben Berg, isang Gunditjmara at lider sa mga proseso ng treaty sa Victoria, "I think treaty's so key, it's about resetting the relationship between First peoples and the government, whether that's at a state-wide level or a commonwealth level."
Mahalaga ang treaty dahil maaari nitong:
- Kilalanin ang mga Aboriginal at Torres Strait Islander peoples bilang mga First Peoples ng Australia.
- Pahintulutan ang pagsasabi ng totoo tungkol sa kasaysayan ng Australia.
- Bumuo ng tunay na pagtutulungan sa mga usapin tulad ng lupa, kalusugan, edukasyon, pag-unlad ng ekonomiya, at kultura.
Ayon kay Wirdi man at Barrister Tony McAvoy, "when we are able to control our own lives, and make decisions for ourselves and provide services for ourselves, we are at our healthiest and strongest, and most spiritually well and culturally. If you accept that that's one of the consequences of the treaty, that's got to be good for the rest of the country."
Ano ang maaaring laman ng isang treaty?
Ang mga treaty ay maaaring magkaroon ng iba't ibang anyo at saklaw ng mga usapin, kabilang ang:
- Pagkilala sa soberanya at karapatan ng mga First Nations peoples na gumawa ng mga desisyon para sa kanilang mga komunidad.
- Mga kasunduan tungkol sa paggamit, pamamahala, at proteksyon ng lupa, tubig, at mga yaman.
- Pangako na buhayin at pangalagaan ang mga wika, mga pook-kultural, at mga tradisyon.
- Pondo at suporta para sa kalusugan, edukasyon, pabahay, at iba pang mga programa.
Naniniwala si Lidia Thorpe, isang Gunnai, Gunditjmara, at Djab Wurring woman at Senador para sa Victoria, na dapat manguna ang mga lokal na komunidad sa prosesong ito.
I think that we need to have clans and nations represented at the local government level. It is those local communities where we can make real change.Senator Lidia Thorpe

Independent Senator Lidia Thorpe during Question Time in the Senate chamber at Parliament House in Canberra. Source: AAP / MICK TSIKAS/AAPIMAGE
Ano ang susunod na hakbang para sa treaty sa Australia?
Sa buong Australia, iba-iba ang bilis ng pag-usad ng mga kasunduan o treaty. May ilang estado tulad ng Victoria at Queensland na nagsimula na ng mga hakbang patungo sa kanilang sariling mga treaty, habang ang iba naman gaya ng New South Wales ay nasa yugto pa ng konsultasyon kung ano ang maaaring anyo ng kanilang treaty. Ang bawat proseso ay naaayon sa pangangailangan ng lokal na komunidad kaya maaaring magkaiba-iba ito sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, nangunguna ang Victoria. Noong Setyembre 2025, nakamit ng Victorian Government at ng First People’s Assembly of Victoria ang isang kasunduan sa prinsipyo para sa unang buong statewide treaty sa Australia, bunga ng mahabang negosasyon at konsultasyon sa komunidad. Kilala ang proseso ng treaty ng Victoria bilang isang halimbawa na sinusundan ng ibang bahagi ng Australia.
Mahalagang malaman na magkaiba ang pambansa at estado o teritoryo na mga treaty.
Ang pambansang treaty ay isang iisang kasunduan sa buong bansa na kumikilala sa mga karapatan ng Aboriginal at Torres Strait Islander peoples sa Australia. Samantalang ang mga treaty sa estado at teritoryo ay iniakma sa bawat lugar, nakatuon sa lokal na prayoridad at pangangailangan. Maraming tagapagtanggol ang naniniwala na kailangan ang parehong pambansa at estado/teritoryong treaty upang magdala ng tunay na pagbabago.
Ang treaty ay hindi lamang usapin ng First Nations peoples; ito ay tungkol sa pagkilala, respeto, at katarungan para sa lahat. Ang pagkakaroon ng treaty ay tumutulong bumuo ng kinabukasan kung saan pinapahalagahan ang bawat tinig at karanasan.
Ang mga susunod na yugto ng treaty ay isusulat ng mga lokal na komunidad, pamahalaan, at ng lahat ng nagnanais makibahagi sa kinabukasan ng Australia. Ang pag-unawa sa proseso ng treaty ay paraan upang mas malalim na makaugnay ang bawat isa sa kasaysayan ng bansa at makatulong bumuo ng mas makatarungang hinaharap.
Ang episode na ito ay naglalaman ng mga bahagi mula sa programang pampelikula sa TV na “Living Black – The Case for a Treaty” na unang ipinalabas noong Hulyo 2025. Maaari mong panoorin ang buong episode sa SBS On Demand.
Stream free On Demand
The Case For A Treaty
episode • Living Black • News And Current Affairs • 34m
episode • Living Black • News And Current Affairs • 34m
Mag-subscribe o i-follow ang Australia Explained podcast para sa mas mahahalagang impormasyon at tips tungkol sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia.
May mga tanong o paksa ka bang gustong pag-usapan? Mag-email sa australiaexplained@sbs.com.au
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.