Sa 'Trending Ngayon' sa SBS Filipino, Hollywood actress, Vanessa Anne Hudgens, ginawaran ng Global Tourism Ambassador Award ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang bahagi ng gobyerno ng Pilipinas na isulong ang turismo ng bansa at iangat ang pandaigdigang estado ng bansa.
Key Points
- Ang High School Musical star na si Vanessa Hudgens ay bumisita sa Pilipinas sa unang pagkakataon para tuklasin ang kanyang pinagmulang Pilipino at idokumento ang kanyang paglalakbay sa bansa.
- Iginawad ng administrasyong Marcos kay Hudgens ang Global Tourism Ambassador Award bilang bahagi ng kampanya ng gobyerno na makaakit ng mga internasyonal na turista sa Pilipinas.
- Sa Australia, marami ang hindi na makapaghintay sa pagsisimula ng inaabangang Sydney Royal Easter Show ngayong Abril.

Ang dating bituin ng pelikulang High School Musical ay kasalukuyang nasa Pilipinas, sa unang pagkakataon, kasam ang kanyang kapatid na si Stella at Pinay na ina nito na si Gina, para higit na kilalanin ang pinagmulang Pilipino at para sa isang travel documentary.





