Alamin kung ano ang 'Trending Ngayon' sa linggong ito sa SBS Filipino, kasama sa 'trending topic' ang tungkol sa 'plant stroller, Team Filipinas sa paglalaro sa FIFA Women's World Cup at ang kinahuhumalingang laruan ngayon, ang 'lato-lato'.
Key Points
- Dinisenyo ni Alice Kim, isang product design graduate mula sa Kingston University, trending ngayon ang 'plant stroller' sa mga mahilig sa halaman, para maipasyal ang kanilang paboritong halaman.
- Mga Filipino football fans sa Pilipinas at abroad, nagkakaisa sa pagsuporta sa Team Filipinas sa kanilang pagsabak sa FIFA Women's World Cup.
- Mga bata sa Pilipinas at sa social media nahuhumaling sa trending na laruang 'lato-lato' (clackers) na sikat na sikat ngayon sa Indonesia. Dati itong paboritong laruan noong dekada '70s hanggang '90s.




