Key Points
- Sa buong mundo at sa Australia, mainit ang usapan tungkol sa mga football team na pasok sa semi-finals ng FIFA World Cup.
- Top 1 online sa Pilipinas ang #UAAPCDC2022, ang Cheerdance Competition ng mga unibersidad na kasama sa University Athletic Association of the Philippines. Panalo ang National University Bulldogs.
- Sa mga Pilipino sa Australia, hindi magkandaugaga ang mga Pinoy sa pagdalo sa kaliwa't kanang mga Christmas Party.
Mainit na pinag-uusapan ngayon – mapa-musika, fashion, pagkain at iba pa. Pero patok rin ba sa mga Pinoy sa Australia?
Hindi maitatanggi ang pagkasabik ng mga Pilipino sa Australia sa Paskong Pinoy kaya naman kaliwa’t kanan ang mga handaan, at party para sa Pasko sa iba't ibang panig ng Australia.

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino