Sa ating 'Trending Ngayon' segment ngayong Linggo SBS Filipino, 'trending topics' ang #solodate, #diningalone at 'Japanophilia'. Ano nga ba ang mga paksa na ito na mainit na pinag-uusapan sa online sa iba't ibang panig ng mundo, pati na rin sa Australia at Pilipinas.
Key Points
- 'Trending' ngayon sa social media ang #solodate, kung saan patok ang paglabas o pamamasyal mag-isa. Humakot ng mahigit 233 milyon views sa Tiktok ang #solodate.
- Nang magka-pandemya, nauso ang pagkain nang mag-isa, kaya naman mainit na pinag-uusapan online ang #diningalone.
- Sa Australia, nauuso ang 'Japanophilia' o pagkahilig sa anumang bagay na patungkol sa mga Hapon, patunay dito ang maraming Japanese restaurant na nagbukas sa bansa.
Share





