Ipinagtanggol ni Punong Ministro Malcolm Turnbull, ang tinawag niyang matigas na polisa tungkol sa mga naghahanap ng asylum, sa pag-amin na ito ay marahas subalit kailangan. Larawan: Barko ng mga asylum-seekers na sinusubukang makarating sa Australya (AAP)
Sa isang panayam sa programang Q&A sa ABC noong Lunes ng gabi, tinanong si Ginoong Turnbull, sa pamamagitan ng video, ng isang naka-ditene sa Manus Island, kung bakit hindi siya maaring makapunta sa Australya.
Sinabi nig Punong Ministro, na ang pagpapaluwag ng kanyang polisa ay magpapabalik sa mga people smugglers sa kanilang dating negosyo.
Share




