Ikinatatakot ng United Nations refugee agency na hinid bababa sa 700 tao ang nalunod sa nakalipas na ilang araw sa ilang serye ng mga pagkawasak ng mga bangka sa baybayin ng Libya. Larawan: Mahigit 700 migrante ang kinakatakutang namatay sa tatlong nasirang bangka sa Mediterranean Sea, katimugan ng Italya sa nakalipas na tatlong araw (AAP).
Naniniwala ang UNHCR na nasa 15,000 asylum-seeker at migrante ang sumubok na delikadong pagtawid pamamagitan ng karagatan sa sentrong Mediteranyan sa loob ng isang linggo.
Share




