Ang Assisted Dying Bill ay ipinasa sa Mababang Kapulungan nitong Huwebes pagkatapos nang isang matagal na pagtatalo na inabot nang magdamag.
Kung ito ay maipasa sa susunod na yugto ng Mataas na Kapulungan, ang mga taong may malubhang sakit na lagpas sa gulang na 18, nakakaramdam ng sobrang sakit at may isang taon na lamang upang mabuhay ay maaaring magkaroon ng akses sa mga nakamamatay na gamot.