Mga pagbabago sa visa at migrasyon sa Australia mula 1 Hulyo 2021

Visa changes 1 July 2021

Migrants abandoning Australia due to the border closures. Source: Getty Images/Tobias Titz

Pagbangon ng ekonomiya ang pangunahing pokus para sa taong 2021-22. Narito ang mahahalagang pagbabago kaugnay ng mga visa at imigrasyon sa Australia nitong bagong taong pinansyal.


Para sa mga temporary visa holders na nagtatrabaho sa sektor ng turismo at agrikultura, maaari na nilang mapahaba ang kanilang pananatili sa Australia, habang ang mga international  students na kasalukuyang andito sa Australia na nagta-trabaho sa sektor ng disability, aged care, medical, agrikultura, turismo at hospitality ay maaaring mag-trabaho ng mahigit sa 40 oras kada 2 linggo.

Ginawa ang mga pagbabagong ito upang matugunan ang pangangailangan para sa mangagagawa sa ilang kritikal na sektor habang nananatiling sarado ang hanggganan ng Australia dahil sa pandemyang COVID-19.


Highlight

  • Pinalawak ang Priority Migration Skilled Occupation List, may 22 bagong trabaho na idinagdag sa listahan.
  • Isang bagong visa ang sisimulang ibigay, ang agriculture visa, at pinalawig ito sa 10 bansang ASEAN.
  • Tataasan ang singil para sa Australian citizenship applications at mas matagal ang hihintayin ng mga bagong migrante para makakuha ng welfare.

Mga pagbabago sa mga bilang

Papanatilihin ang 2021-22 migration planning level sa 160,000 at ito'y pagpapatuloy mula sa bilang mula 2020-21, kasama na ang 79,600 na pwesto para sa Skill stream.

"The Skill stream will continue to focus on visa categories that will help Australia’s economy rebound from COVID-19, with priority given to visa cohorts that drive economic growth, job creation and investment into Australia," ayon sa isang tagapagsalita para sa Department of Home Affairs sa panayam ng SBS Radio.
The Business Innovation and Investment Program, Global Talent Program and Employer-Sponsored Program will be prioritised.
Sa taong 2020-2021, halos dumoble ang bilang ng pwesto na inilaan para sa Business, Investment and Innovation program na ginawang 13,500, habang naging triple naman ang alokasyon para sa Global Talent Independent program itinakda sa 15,000.
Pero ang bilang ng alokasyon para sa mga kategoryang ito ay maaaring magbago sa taong 2021-22.

"There will be continued flexibility within the Skill stream to respond to uncertain health, border and economic conditions arising from COVID-19," says the spokesperson. 

Sa pananaw ng Founder at Principal Immigration Lawyer ng Work Visa Lawyers na si Chris Johnston tinatrato ng gobyerno ang antas ng pagpaplano bilang limit at hindi isang target.

“In terms of the 189 visa, the planning level is 6,500 visas, but only 1,690 invitations have been given until 21 April 2021. So, that means  there is a lot of those visas still available, and there is not much time left.”
Visa changes 1 July 2021
Temporary concession allows offshore Family Visa applicants to apply while staying onshore. Source: Getty Images/Oliver Rossi

Family visas

Pagdating naman sa Family Stream, ayon kay Chris Johnston mananatili ang bilang sa 77,300.

 

Dagdag pa niya, na pinapayagan ng gobyerno ang mga pansamantalang pribilehiyo na makapag-aplay ang mga offshore applicant habang nasa Australia dahil sa mga COVID-19 travel restrictions. Dahil dito maaaring mabawasan ang panahon ng pagproseso ng mga kasalukuyang partner visa applications.

Partner visa applications

Pero nababahala naman ang Registered Migration Agent at may-ari ng Migration Down Unde na si Julie Williams na ang mga pagbabago sa partner visa pathway na inihayag sa Federal Budget noong nagdaang taon ay maaaring magpahaba naman ng processing times.

Sa ilalim ng mga pagbabago, hahatiin sa dalawang hakbang ang proseso, kakailanganin na mag-aplay muna ang mga Australian sponsors at maaprubahan bilang sponsors bago makapagpasa ng aplikasyon para sa visa ang kanilang kapareha.

"We don't have an indication of how long the processing timeframes could be to approve the sponsor's application," aniya.

Isa pang mahalagang pagbabago ay ang pangangailangan na makapasa sa isang English language test ang sinumang migrant na nag-aaplay para sa ikalawang yugto ng Partner Visa Subclass 801/100 at kanilang sponsors,

Sinimulan ang mga pagbabagong ito noong 2020-21 federal budget at magkakabisa ngayong taon.
Visa changes 1 July 2021
The tourism and hospitality have been added to the pandemic critical sector list. Source: Getty Images/Attila Csaszar

Business visas

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang ipakilala ang Business Innovation and Investment Program noong 2012, ang gobyerno ay gumawa ng ilang makabuluhang pagbabago sa mga visa para negosyo at pamumuhunan.

Mula sa 1 Hulyo 2021, ang bilang ng mga stream at subclass sa programa ay nabawasan, 4 na lamang ito mula sa dating 9.

Mayroong higher assets and business turnover test at negosyo para sa Business Innovation stream, at ang mga may hawak ng isa sa investor stream ay kinakailangang mamuhunan ng $2.5 milyon, tumaas mula sa dating $ 1.5 milyon.

Inalis naman ang $200,000 na funding threshold requirement para sa Entrepreneur stream at ginawang mas madali ang paraan para makakuha ng permanent residency.

Ang bagong 'agriculture visa'

Inihayag ng pamahalaang pederal ang bagong agriculture visa na palalawigin sa 10 bansang ASEAN.

Ginawa ang pag-anunsyo matapos na sumang-ayon ng pamahalaang Australia, sa ilalim ng isang Free Trade Agreement, na ibasura ang kinakailangan para sa mga British backpacker na magtrabaho sa mga bukid ng Australia sa loob ng 88 araw bago palawigin ang kanilang visa sa pagtatrabaho.

Ang bagong visa ay magagamit ng mga manggagawa mula Thailand, Cambodia, Brunei, Myanmar, Pilipinas, Malaysia, Laos, Vietnam, Singapore at Indonesia.

Ayon sa Pederal na Ministro ng Agrikultura at Nationals deputy leader na si David Littleproud, sisimulan ang pagbibigay ng visa na ito sa pagtatapos ng taong ito.

Kakulangan sa lakas-paggawa

Layunin ng mga pagbabago sa 408 COVID-19 Pandemic Event Visa na matugunan ang isyu sa mga kinakailangang trabahador sa panahon ng pagsasara ng international border.

Sinabi ni Julie Williams, idinagdag ang turismo at hospitality sa listahan ng pandemic critical sector, na mapapakinabang ng mga international students na kasalukuyang nandito sa Australia,
Student visa holders working in the tourism and hospitality sectors are temporarily allowed to work more than 40 hours per fortnight.
Ang ibang Temporary Activity Visa Subclass 408 holders na nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura ay maaari nang manatili sa bansa ng mas matagal, ani ni Chris Johnston.
Hindi nila kailangang umalis sa pagtatapos ng kanilang visa kung maipapakita nila na patuloy silang may trabaho sa sektor ng agrikultura.
 
Dagdag pa ni Julie Williams na pinalawig din hanggang Abril 2022 ang mga visa para sa mga manggagawa mula sa Pasipiko na nasa rehiyon ng Australia.
Visa changes 1 July 2021
Migrants who receive their permanent residency on or after 1 January 2022 will have to wait longer to access welfare payments. Source: Wendell Teodoro/Getty Images

Expanded Priority Occupation list
Kasama ang mga accountants, engineers, software developers at chefs sa 22 mga bagong trabaho na isinama sa Priority Migration Skilled Occupation List na binuo noong 2020 para punan ang mga kritikal na kasanayan para suportahan ang pagbangon ng ekonomiya ng Australia mula COVID-19.

May kabuuang 41 mga trabaho na ngayon ang kasamsa sa listahan para sa employer-sponsored visas (Subclass 482, Subclass 949, Subclass 186 at Subclass 187). Ang mga trabaho na nasa PMSOL ay uunahin.

Habang nananatiling sarado ang international border ng Australia, ang mga temporary visa holders na may 'priority occupation' ay maaaring humingi ng exemption mula sa travel restrictions. 

Pagtaas ng Australian citizenship application fee

Mula 1 Hulyo 2021, sinumang mag-aaplay para sa Australian citizenship ay kailangang magbayad ng mas mataas na bayarin. 

Ang singil para sa citizenship application by conferral ay tumaas, mula sa dating $285 ay gagawing $490, tumaas ng 72 porseynto.

Ang aplikasyon para sa Australian citizenship by descent ay nagkakahalaga na ngayon ng $315, mula sa dating $ 230. 

Mananatili namang libre ang pagproseso para sa mga bat ana labing-lima pababa ang edad na kasama sa aplikasyon ng kanilang mga magulang. Pero para sa mga solong aplikasyon ng mga bata para sa citizenship ito ay tumaas sa $300, na dating $180.    

Ayon kay Immigration Minister Alex Hawke, ito ang unang pagtaas ng bayarin para sa citizenship applications mula taong 2016. 

"Based on existing fees, the Government is only recovering approximately 50 per cent of the costs of processing citizenship applications," Mr Hawke said in a statement.
The cost of citizenship applications remains comparable with other countries.
-Alex Hawke, Minister for Immigration, Citizenship, Migrant Services and Multicultural Affairs

New migrants to wait longer to access welfare payments

Ang mga migrante na magiging permanent resident mula 1 Enero 2022 ay kailangang maghintay ng 4 na taon bago makakuha ng tulong o suporta mula sa gobyerno.

Ayon sa ini-anunsyo na federal budget noong Mayo, ang Newly Arrived Resident Waiting Period para sa karamihan ng mga kabayaran, kasama ang Carer Payment, Carer Allowance, Family Tax Benefit Part A and B, Parental Leave Pay, ay papahabain.

Apat na taon din ang kailangang hintayin para sa pagkuha ng access JobSeeker, Austudy at youth allowance payments.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand