WA ipinagpaliban ang pagpapaluwag ng COVID-19 restrictions

Western Australia Premier Mark McGowan talks to reporters.

Western Australia Premier Mark McGowan talks to reporters. Source: AAP

Ipinagpaliban na muna ang pagpapaluwag ng COVID-19 restrictions sa Western Australia dahil sa paglobo ng mga kaso ng COVID-19 sa Victoria at pagdami ng mga naka-quarantine sa mga hotel sa Perth.


Ayon kay WA Premier Mark McGowan ang desisyon ay base sa payong pangkalusugan.

Ang tentative na petsa ng phase 5 coronavirus restriction ay inilipat sa ika-1 ng Agosto.

Nakatakda sanang magsimula ang phase five sa ika-18 ng Hulyo, Sabado kung saan tatanggalin na ang two-square-metre rule.

 


 Highlights

  • 29 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa loob lamang ng isang linggo
  • Phase five easing ng COVID-19 restrictions ipinagpaliban muna
  • Fishing, patok na outdoor activity sa mga Pinoy na nasa Perth

Fishing, patok na outdoor activity kahit na taglamig

Patok naman sa kasalukyan ang outdoor activity na fishing sa mga Pilipino dito sa Perth. Ayon sa nakapanayam natin na si Chi, myembro ng Pinoy Fishing addicts sa WA, sa kabila ng malamig na klima, mabisa umanong pangtanggal ng bagot ang fishing.

Kaya naman hinihimok nito ang iba pang mga Pilipino na makilahok upang makapag-relax at maka-bonding ang ilan pang mga Pinoy na kinahihiligan din ang pangingisda dito sa Perth.

Pero paalala pa rin nila sa mga sasali na ipagpatuloy ang pagsususot ng mask, social distancing, at paggamit ng hand sanitiser.
PAKINGGAN DIN:


 

 

 

 

 

 

 

 

 


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand