Key Points
- Number one fans, cheerleaders at proud parents ng Sydney Olympic FC Striker na si Christian Bangel si Tina at Rob. Walang katumbas ang suporta nila para sa anak na pangarap maging national team player ng soccer.
- Sa datos ng Australian Sports Commission, ang soccer ang number one sa pinipiling team sports ng mga batang australian mula edad 6 hanggang 13. Dala na rin ng pagsikat ng mga koponan ng Matildas at Socceroos, mas naeengganyo ang mga bata na subukan ang laro. Idagdag pa ang sari-saring grants mula sa pamahalaan para bigyan ng pagkakataon ang mga bata na maenjoy ang sports.
- Responsibilidad ng mga coach na tulad ni Edna Agravante na hanapin at idevelop ang kahinaan ng isang manlalaro gamit ang mga taktika sa pagsasanay. Kasama rin sya sa nagpapatibay ng kanilang loob sa gitna ng nakakapagod na training. At higit sa lahat, sya ang sandalan ng mga bata sa bawat tagumpay o pagkabigo ng koponan sa mga laban.
Follow Football for All on the SBS Radio App, Apple Podcasts, Spotify, or wherever you get your podcasts to have episodes delivered direct to your device.