Key Points
- Sa gitna ng pandemya, 650,000 pamilyang Australian ang nahiwalay sa kanilang 1.3 milyong anak.
- Itinuturing na wala nang hihigit pa sa pag-ibig ng magulang sa anak.
- Masuwerte si James Makalintal sa kanyang magulang na tanggap siya ano pa man ang kanyang kasarian.
Wala nang hihigit pa sa pagmamahal ng magulang sa anak ang madalas nating marinig. Kaya sinasabi na ang pagmamahal ng magulang ang itinuturing na unang pag-ibig na matututunan ng bawat isang anak at ito ang huhulma sa kanilang pagkatao.
Batid ng tubong-Batangas na si James Makalintal na masuwerte ito dahil hindi ito nahirapan sa kanyang paglantad na isa siyang 'gay' sa kanyang mga magulang.
Sa katunayan, bata pa lamang ito nang magsimulang kumilos na parang babae.
James (left) is now happily married with husband, Ryan (right) whose mum (middle) is very supportive of their marriage. Credit: Supplied by James Makalintal
Dating nasa Philippine Air Force ang ama ni James at ang ina naman nito ay isang overseas Filipino worker sa Italy.
Bagaman sanay si James na madalas na wala ang kanyang mga magulang nang ito'y lumalaki, sanay naman ito na madalas na kasama ang mga magulang sa mga pinakamahalagang okasyon sa kanilang mga buhay tulad ng kaarawan at Pasko.

James Makalintal (middle) is used to being with his parents in particular during special occasions like birthdays and Christmas. It has been nearly 7 years now since he has been with his mum and dad together. Credit: James Makalintal (on Facebook)
Sa kinakaharap na isyu sa kalusugan ng isip, malaking bagay ang araw-araw na nakakausap nito ang mga magulang lalo na ang kanyang ama.
"Even with the distance, I make sure that I message him and I tell him I love him and I'm never ashamed of saying it straight to my dad."
Kahit malayo sa mga magulang, patuloy ang mga ito sa pagsuporta sa kanya.
Kaya ganu'n na lamang ang pasasalamat niya sa mga ito at hindi nito kailanman ikinakahiya na lantarang ipakita ang pagmamahal sa mga magulang.
"I'm very grateful of my mum as she has sacrificed her being a mother and went abroad just so she can help provide everything for me."
"They wanted to give me a better life, have a good future and they gave me everything and I am very grateful of that."

How to listen to this podcast. Credit: SBS Filipino