Highlights
- Ang Coronavirus ay nagbabago o nagmutate sa mas nakakahawa at mabagsik na strain na tinawag na Delta variant
- Scientists ay patuloy na nananaliksik para makagawa ng bakunang gamot para sa mga batang may edad 12 anyos pababa
- Mga eksperto inabisuhan ang mga bata na magsuot ng masks
Sa loob ng 24 oras nitong Agosto 30 nakapagtala ang New South Wales ng panibagong 1290 na kaso ng tinamaan ng Delta variant, 177 dito ay may edad 10 pababa at 215 ang may edad 10 hanggang 19 taong gulang. Kaya nababahala ang mga magulang sa kaligtasan ng mga anak lalo pa’t pabata ang mga biktima ng virus.
Ayon kay Dr. Laila Ibrahim mula sa Royal Children’s Hospital sa Melbourne. Lumabas sa kanyang pag-aaral karamihan sa mga batang dinapuan ng Coronavirus, ay hindi malubha ang kalagayan at sa bahay lang nagpapagaling.
Karaniwang sintomas nito ay flu o trangkaso. Napapasa naman ang virus sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing ng taong nagpositibo ng virus.
" Karamihan sa mga batang nahawaan ng virus ay hindi nadadala sa ospital, sa bahay lang nagpapagaling. At dapat bigyan sila ng sapat na atensyon, " payo ni Dr. Ibrahim sa lahat.
Ngayon kasama sa bakunahan ang mga 12 taong gulang, bagay tinanggap naman ng mga mas nakakabata, na nagpahayag na gusto na ding mabakunahan.
"Ako si Ally, 8 taong gulang. Para sa akin importante ang bakuna dahil nilalabanan nito ang virus sa loob ng katawan, kaya bakunado na sila Mum at dad."
Sabi ni Dr. Ibrahim sa ngayon dito Australia ang bakuna ay para muna sa may edad 12 anyos pataas at hindi sa mas bata.
'' Nakikita natin na ang mga bata na may edad 12 pababa, kahit nahawaan ng virus, parang okay lang sila kaya uunahin nating proteksyonan silang nagkakasakit, kaya magpabakuna para hindi maging malubha," dagdag ni Dr. Ibrahim.
Sa ngayon, patuloy ang pananaliksik ng mga dalubhasa para makagawa ng bakunang gamot para sa mas bata. At inaasahang hindi na ito magtatagal, pero may abiso ang mga eksperto sa mga bata, para may proteksyon laban sa virus dapat magsuot ng mask. Pabor naman dito ang maraming bata.
" Ako meron akong 2 masks. Ang isa ay printed Avengers naroon ang bida at kontrabida, yong isa naman ay camouflage, " kwento ng batang si Seb.
Para maiwasan ang pagkalat ng virus, maraming lugar sa Australia ang nagpatupad ng pagsara ng mga playgrounds gaya ng estado ng Victoria.
" Sa kasamaang palad kailangan muna nating isara ang mga playground, hanggang sa ligtas na itong ma-enjoy ulit. Baka kasi magkahawaan at sa mga magulang na gumawa ng ibang activity sa mga bata, "dagdag pa ng doktor.
Naka-remote learning din ang mga bata, sa takot na malagay sa peligro ang kanilang buhay kung ipapatupad ang face to face learning ngayong may Delta outbreak.
"Sa mga bata kung natatakot kayo, kausapin sila Mum at Dad. Kung worried naman ang mga magulang, dapat komunsulta sa doktor, dahil masaya kami kapag nakakatulong, " ani Dr. Laila.
Dahil hindi pa tiyak kung Kailan babalik sa normal ang buhay ng lahat, abiso ng mga eksperto maging positibo at gawin ang nararapat para maging ligtas. At inaasahang darating ang araw na maging maayos ang lahat.
Dagdag payo sa mga magulang, maliban sa panatilihing ligtas ang mga anak, gawing makabuluhan ang bawat sandali habang kasama ang mga ito ngayong may kinakaharap na outbreak.
''excited na akong makapaglarong muli ng footy at maka-joyride sa mas malayo kasama ng pamily at mabisita ang mahal kong Lola," pahayag ng isang bata.
" Kailangan maging positibo sa lahat ng bagay at isiping malalagpasan natin ito," sabi naman ng batang si Ella.
Kung may mga pangangailangan pwedeng tumawag sa Kids Helpline sa 1800 551 800 o bisitahin ang kanilang website.