Highlights
- Ayaw magpabakuna ng maraming nakababatang Australyano dahil diumano sila ay malusog, habang ang iba ay nag-aalala tungkol sa mga posibleng epekto ng bakuna
- Mag-aalok ng booster shot ang pamahalaan bihang proteksyon sa mga panibagong virus strain
- Naniniwala ang GP na bakuna ang solusyon upang mamuhay muli ng normal
Ibinabahagi ng GP na si Lorie De Leon na karamihan sa nagpapabakuna sa kanyang klinika ay mga matandang mga Australyano na may edad 50 pataas. Habang ang mga nakakabatang Australyano naman ay nag-aalangan na magpabakuna.
“The number one reason why they don’t want to be vaccinated is because they feel they are young, fit, well and healthy. With Delta virus, teenagers, 20 to 30 years old get infected. Do not think that because you are young, fit and healthy you’re not going to get it.”
Samantala ang iba naman ay nag-aalangan dahil sa maaring long-term effect ng COVID-19 vaccine sa kanilang katawan.
"I always tell my patients that I have to check their blood test before I can administer AstraZeneca vaccine. With Astra, clotting factor occurs only in one per cent and has 77 per cent efficacy rate. But the Pfizer one is safe and has an efficacy rate of 90-96 per cent."