Unang-unang mahalagang isipin ang timing ng inyong pamamasyal.
"Marami sa atin, kasama na ang mga kababayan natin, ang nasasabik na mag-travel dahil sa mga restrictions na nangyari dahil nga sa pandemic. I’m sure na magiging busy ngayong winter season," ani Jane Hular, isang transport & tour service driver.
Highlight
- Planuhin ng maaga ang inyong pamamasyal lalo na't marami ang nasasabik na mamasyal ngayon matapos ng mga nagdaang paghihigpit dahil sa COVID-19.
- Pumili ng papasyalan na masisiyahan ang buong pamilya, lalo na ang mga bata.
- Para sa transport driver na si Jane Hular, tiyakin na sapat at naaangkop ang inyong suot na damit depende sa kung saan kayo mamamasyal.
Magplano ng maaga
“Prior to the pandemic, marami sa mga kababayan natin, 6 months pa bago mag-winter, ay nakapag-book na ng kanilang pamamasyal sa Snowy Mountains,” kwento ng B.Loved Group tour & transport driver na si Jane Hular.
Ngayong taon panigurado na magiging abala ang Snowy Mountains bagaman may ilan na nag-aalangan pa rin sa kanilang pamamasyal dahil nga sa pandemya, mas marami naman ang talagang sabik na mamasyal din.
“March pa lang marami na kaming bookings na natanggap.”
Para doon sa mga gustong umiwas at hindi makasabay sa abalang panahon kapag school holidays sa Hulyo, "dapat naka-plano na kayo kung kelan kayo pupunta ng Snowy," payo ni Gng Hular.

Transport driver Jane Hular (left) with her husband Jaybee and one of their children, Johan. Source: Jaybee Hular
‘Top 3 family-friendly tours’
Para sa ina na tulad ni Jane Hular, sa pamimili ng lugar-pasyalan, pangunahin na konsiderasyon na magsasaya ang buong pamilya lalo na ang mga bata. Narito ang 3 pangunahing lugar sa New South Wales na hindi dapat palampasin:
Snowy Mountains
Tinatayang 6-7 oras ang layo mula sa Sydney at nasa pagitan ng New South Wales, Australian Capital Territory (ACT) at Victoria, ang Snowy Mountains ay paboritong pasyalan ng marami tuwing taglamig.
Bukod sa makakita ng snow, dito'y maaaring mag-skiing o snowboarding sa sikat na Perisher at Thredbo.
“I do recommend that if you are a family, especially with younger kids, you should really do an overnight at least kasi ‘yung travel time and distance medyo mahirap para sa mga bata kung magmamadali lang sa pagpunta sa Snowy area.
“Mas maganda na maeenjoy nila ‘yung pag-travel nila at ‘yung time nila sa Snowy Mountains.
Maganda ring puntahan ang rehiyon ng Snowy Mountains kahit na hindi taglamig.

Family snowy mountain tour. Source: Supplied by Jane Hular
"Even on a summer time, autumn or spring time, maganda pa ring pumunta sa Thredbo kasi pwede kayong mag-fishing, trekking, horseback riding at marami ring lugar na worthy of sight-seeing doon," pagbabahagi ni Jane Hular.
Ang Snowy Mountain area ay tahanan ng Kosciuszko National Park kung saan maaaring akyatin ang Mount Kosciuszko, ang pinakamataas na bundok ng Australia.
May makikita ring mga ilog, kuweba at mga lawa.
Port Stephens
Kung gusto namang umiwas sa dami ng tao at labis na lamig ng niyebe, sa 2.5 oras na biyahe, hindi kalayo sa hilaga ng Sydney, maaaring marating ang Port Stephens sa Hunter Region ng NSW.

Camelback-riding at Anna Bay. Source: A.Violata
Kilala bilang "blue water paradise" at tanyag na pasyalan kapag tag-init, puntahan din ang Port Stephens kapag taglamig para makita ang mga balyena (humpback whales) at magsaya sa aktibidad sa outdoor gaya na lamang ng camelback-riding at sand-boarding.
"Maraming activities doon from water to land to sand," bigay-diin ni Jane Hular.
“Port Stephens is very good for families especially with the water and nature. Kapag mahilig din sila mag-trekking din at saka it is good exercise din for the kids."
Rehiyon ng Young at Orange
Apat na oras naman ang layo mula Sydney, sa timog-kanluran ng NSW, matatagpuan ang tinaguriang "Cherry Capital ng Australia".
Tanyag ang rehiyon ng Young para sa masarap na mga cherries nito at tuwing Disyembre ay ipinagdiriwang ang National Cherry Festival sa lugar.
Bagaman madalas na ginagawa ang cherry-picking tuwing buwan ng Oktubre hanggang Enero, may iba pang mga prutas na maaaring pitasin sa ibang pagkakataon dahil ang lugar ng Young ay napapaligiran ng mga orchards, ubasan at taniman.

The region of Young in NSW is know for its delicious cherries. Source: VisitNSW
Mula naman Young, mga 2.5 oras pabalik ng Sydney, makikita ang rehiyon ng Orange.
Dito'y marami ding taniman kung saan pwedeng mag-fruit-picking ng iba't ibang mga prutas.
"Very simple lang ang fruit-picking pero ma-eenjoy nyo ‘yung quality time ninyo with the family. Pwedeng mag-fruit-picking tapos mag-picnic," mungkahi ng ina na si Jane Hular.
"you can engage with your kids and you can teach them while doing the fruit-picking."
A good laugh is very good for the family.
Tiyakin na angkop ang mga suotin
Anoman ang plano ninyong gawin – mapa-dagat man 'yan o mapa-snowy, siguraduhing magsuot ng naaangkop na mga damit at sapatos depende kung saan kayo pupunta.
"I always encourage everyone na magdala ng extra clothes and footwear just in case bigla nalang na may makita silang lake at gusto nilang maglakad doon at least they are prepared."
Bukod sa mga baong pagkain, siguraduhin ding magdala ng ekstrang mga damit.
"Always bring an extra jacket kapag winter time kasi sobrang lamig talaga. Dapat ding laging susubaybayin yung weather, one week or one day, prior your trip."
At dahil nga sa COVID-19, dapat na maging nakabantay din sa anumang restrictions na maaaring ipatupad ng biglaan.
“Laging maging handa. Always bring your hand sanitiser, sundin din ang pag-register thru our health QR code at kung hindi maganda ang inyong pakiramdam mas maganda na hindi magtuloy sa inyong pag-biyahe para masiguro na safe tayong lahat,” pagtatapos ni Gng Hular.
BASAHIN DIN/PAKINGGAN