Key Points
- Ito ay pilot na program na naglalayong maisalba ang gastos ng gobyerno para maiwasan ang sakit
- Libreng DNA screening para sa 10,000 Australians mula edad 18-40 taong gulang at pinunduhan sa pamamagitan ng Medical Research Future Fund
- Maaaring ma-screen ang may lahi ngbreast at ovarian cancer; Lynch Syndrome at 'genetic high cholesterol' na humahantong sa heart attack
Sinuman ang may interes na magpa-screen ay maaaring magsign-up online sa DNA Screen.
Kasama sa test ang paglalagay ng sample na laway sa isang tube sa pamamagitan ng koreo at ipapadala ito pabalik sa address ng screening.
Inaasahang matapos ang tatlong buwan, malalaman ang resulta ng DNA screen.
Walang dapat na ipag-alala ang mga lumahok sa test dahil ang resulta ay gawing confidential o hindi ipaalam sa iba.
At halos 1 sa 75 indibidwal na na-test ay nakitaan ng mataas na risk na magkakasakit.
Ang lahat ng kalahok na may mataas ang risk ay pinapaliwanagan ng mga eksperto sa kanilang kondisyon at inaalok ng genetic counselling pati na din ng regular na scans, pagsusuri at pagpapa-opera kung kinakailangan.