Noong 2013 bilang Southeast Asia correspondent ng The Australian Broadcasting Corporation(ABC) si Zoe Daniel at ang cameraman David Leland ay nakarating sa Tacloban isang araw matapos bumagsak ang Bagyong Haiyan (Yolanda) sa Pilipinas. Sa loob ng ilang araw nasaksihan niya ang iniwang pinasala at pagkadismaya ng mga tao sa bagal ng tulong, nasaksihan din niya ang lakas at tapang ng diwa ng mga Pilipino. Ang nobelang 'Angel' ay bunga ng mga nasaksihan ni Zoe Daniel mula sa mga naganap noong taong 2013, ito ay kwento nasasalaysay sa tapang ng isang batang babae at kung paano niya nahanap ang lakas at determinasyon upang mapagtapuang muli ang kanyang mag-anak.





