Paano masigurong ligtas ang iyong anak sa paggamit ng internet?

Habang ang mga bata ay mas nagiging tech-savvy na ngayon, mahalaga na sila ay tulungan ng mga matatanda na magkaron ng positibong karanasan sa paggamit ng internet.

04-child-praise.w704.h396.jpg

Mom & dad hugging and kissing lovely toddler girl on her cheeks while toddler girl smiling joyfully. (Tang Ming Tung) Source: Getty

Ang pagiging magulang ay hindi madali at ang pag-usbong ng teknolohiya ay dumadagdag sa hamon ng pagiging isang magulang.

“One in five young Australian has had a negative experience online, and that can run the gamut from cyberbullying to image-based abuse to seeing violence or hatred online,” sabi ng eSafety Commissioner na si Julie Inman Grant.

Ang pagbabahagi ng mga pribadong litrato ng isang tao ng walang paalam mula sa taong nasa litrato ay tinatawag na abusong naka-base sa imahe. Maraming mga kabataan ang tumatawag sa Kids Helpline dahil ito ay nangyari sa kanila.

Maaring nababahala din ang mga magulang sa posibilidad ng panonood ng kanilang mga anak ng mga bastos at di angkop na video at ang pakikipag-usap ng kanilang anak sa mga di kilalang tao.
Mobile phone
Source: Getty Images
Ang Cyberbullying ay isang seryosong isyu. “For a lot of parents, when they were growing up, they might have experienced bullying at school, at social functions, that sort of thing. But when they got home, home would be their safe place where they wouldn't have to deal with that anymore. Yet, for young people, because they're always connected, the bullying, it can feel like it never stops,” paliwanag ng Kids Helpline counsellor na si Belinda Beaumont.

Makipag-usap sa iyong anak

Bilang isang magulang, mahalaga ang pakikipag-usap sa iyong anak tungkol sa kaligtasan ng internet at ipaalam sa kanila na maari silang lumapit sa iyo kung sila ay may problema.

Habang nakakatuksong ipagbawal ang social media at online gaming, ayon kay Beaumont hindi ito ang solusyon:

“What I know as a Kids Helpline counsellor is that kids are going to use it anyway, so if you try to do that, all it's going to teach them is to be more secretive and hide things, and they're going to create their own accounts anyway. So the best thing you can actually do, even though it's hard and it's scary, is to trust your relationship with them and trust them to come to you when they have issues."
Kung ang iyong mga anak ay may mga nakakatandang kapatid na naiintindihan ang kahalagahan ng kaligtasan sa paggamit ng internet, isali sila sa pag-uusap.

Maglagay ng mga kontrol at hangganan

Maari din gawin ang paglagay ng mga kontrol sa mga gadyet upang masubaybayan at limitahan kung ano ang maaring ma-access online, lalo na sa mga mas batang anak.

Dapat din ay maglagay ng hangganan at mga kautusan tulad ng pagbabawal sa iyong anak na gumamit ng gadyet sa kanilang kwarto at pagsigurado na hindi sila nag-popost ng kahit anuman na magtutukoy ng kanilang tirahan.
Father and daughter looking at digital tablet
Source: Getty Images
Isang paraan din upang makisali sa iyong anak ay ang pakikipaglaro ng video game kasama sila o ang pag-download ng app na kanilang ginagamit. Magkakaroon ka ng mas mabuting pag-unawa sa mekanismo nito at ito din ay isang oportunidad upang makapagsimula ng isang diskusyon.

Anong dapat gawin kung may problema

Kung ang anak mo ay lalapit sayo dahil may problema siya, manatiling kalma at makinig sa kanila.

“The first thing is to keep the dialogue open. Make sure the children know that they can come to you if something goes wrong online. That's the first thing to do, not punishing the children if they're coming to you and have done something wrong that has led them to a situation that led them to a bit of trouble. Just be calm about that, and let them know that you'll find help," sabi ni Jane French, executive director ng Child Wise.
Mother and daughter
Preteen girl rolls eyes as mom takes away her phone Source: Getty Images
Kung ang iyong anak ay biktima ng cyberbullying o naka-base sa litratong abuso magsumbong sa pamamagitan ng eSafety Commissioner website.

Ang eSafety Commissioner website ay isang mabuting lugar upang maghanap ng mga impormasyon tungkol sa kaligtasan sa internet at mga payo kung paano magsisimula makipag-usap sa iyong anak, ito ay makukuha sa iba't-ibang wika.

Maari din mag-download ng CyberParent app na makukuha sa 17 magkaibang wika.

Kung ikaw ay isang magulang na nais magsimula ng diskusyon sa iyong anak tungkol sa kaligtasan online, huwag kaligtaan ang The Hunting.  Ang pinakabagong drama series ng SBS ay magpapakita kung paano lalakbayin ng mga binata at dalaga  ang mga gulo sa relasyon pagkakakakilanlan at sekswalidad sa pamamagitan ng teknolohiya. Lalabas sa Huwebes ika-1 ng Agosto, 8.30pm sa SBS atOn Demand.

BASAHIN DIN:

PAKINGGAN:


Share

Published

Updated

By Audrey Bourget
Presented by Claudette Centeno-Calixto

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand