Mga nailigtas na bata sa Thai cave, ibinahagi ang kanilang 'miracle' rescue pagkatapos makalabas sa ospital

Ang 12 kabataang Thai at ang kanilang football coach na nakaligtas sa isang lubhang mapanganib na rescue mula sa binahang kweba ay nagbahagi ng kanilang karanasan sa kauna-unahang pagkakataon.

The boys as they speak with media about the Thai cave rescue. (AAP)

The boys as they speak with about the Thai cave rescue. Source: AAP

Ang 12 batang lalaki at ang kanilang soccer coach ay nailigtas mula sa binahang kweba sa Thailand ay namataang kumaway, ngumiti at nagbigay ng traditional "wai" na pagbati sa kanilang unang paglabas sa publiko sa isang national broadcast sa hilagang lalawigan ng Chiang Rai.

Ang mga doktor, mga kamag-anak, ang ilan ay nagsuot ng tradisyunal na dilaw na garb, ay bumati sa mga batang lalaki, na may edad 11 hanggang 16, kasama ang kanilang 25-taong gulang na coach, na nagsuot ng mga T-shirt na may pulang graphic ng wild boar. 

Isang banner na nagsasabing "Bringing the Wild Boars Home," ang sumalubong sa koponan ng soccer sa set, na idinisenyo na kahiluntulad ng soccer field, na sinamahan ng goalposts at mga net. Ang mga bata ay pinaupo sa isang dais, katabi ng lima pang miyembro ng rescue team.
Twelve rescued members of the Wild Boar football team and their assistant coach share their story for the first time.
Twelve rescued members of the Wild Boar football team and their assistant coach share their story for the first time. Source: AAP

Nailarawang "bittersweet" ang ilang mga sandali, nang dalawa sa mga batang lalaki ang naglabas ng pencil sketch ni Samarn Kunan, 38, ang dating Thai navy diver na nasawi habang tumutulong na maglagay ng mga oxygen tanks para sa exit route palabas sa cave complex. 

"Everyone was very sad," sabi ng coach na si Ekkapol. "They felt like they were the reason he had to die and his family had to suffer."

"I told everyone fight on, don't despair," sabi ng isa sa mga bata, habang isinasalaysay niya kung paano nila nalampasan ang mga ilang araw habang sila ay nasa kweba. 

Si Adul Sam-on, 14, ay ibinahagi naman ang mga sandali nang matagpuan sila ng dalawang British divers noong ika-2 ng Hulyo. 

"It was magical," sabi niya. "I had to think a lot before I could answer their questions."
Ang pagkakatuklas na iyon ang nagbigay daan para sa rescue effort na nagligtas sa kanila, na inorganisa ng Thai navy SEALs at ng mga global cave-diving na eksperto. 

Noong Hunyo 23, ang grupo ay nagplano na puntahan ang Than Luang cave complex sa loob ng halos isang oras matapos ang kanilang soccer practice. Subalit dahil tag-ulan noong mga panahong iyon, binaha ang tunnel, at sila ay na-trap sa loob ng kweba. 

Hindi nakapagdala ng pagkain ang grupo sa dahilang kumain na sila bago pa sila lumisan para pumunta sa kweba. Kinailangan nilang inumin ang tubig mula sa stalactite sa kweba. 

"We only drank water," sabi ng isa sa mga bata, na may nickname na Tee.

Ang pinakabatang miyembro ng koponan na si Titan ay nagsabi din na "I had no strength. I tried not to think about food so I didn't get more hungry."

Ang mga bata ay nagdagdag ng 3kg sa kanilang mga timbang simula nang sila ay ma-rescue, at dumaan sa ilang confidence-building exercises bago ang mga kaganapan noong Miyerkules, sinabi ng hospital director. 

Ang nasabing rescue effort ay nakakuha ng atensyon sa global media at ilang daang mamamahayag at nagdala ng kasiglahan sa karaniwang tahimik na lalawigan ng Chiang Rai bago pa man ang pinakaaabangang 45-minuto na live appearance braodcast sa iba't-ibang channels. 

"We don't know what wounds the kids are carrying in their hearts," sabi ng justice ministry official na si Tawatchai Thaikaew, na humiling na bigyan ng privacy ang mga bata pagkatapos nilang makalabas ng ospital, sa pangambang maaari itong makaapekto sa mental health ng mga bata.
The 12 boys and their soccer coach rescued after being trapped in a flooded cave in northern Thailand are recovering well
The 12 boys and their soccer coach rescued after being trapped in a flooded cave in northern Thailand are recovering well. Source: AAP
"The media know the children are in a difficult situation, they have overcome peril and if you ask risky questions then it could break the law," sinabi niya sa mga reporters.

Nagbigay ng permiso si King Maha Vajiralongkorn na magdaos ng selebrasyon sa Royal Plaza, isang public square sa Bangkok, upang pasalamatan ang mga Thai at banyagang nakilahok sa rescue. 

BASAHIN DIN: 



Share

Published

Presented by Roda Masinag

Share this with family and friends


Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Mga nailigtas na bata sa Thai cave, ibinahagi ang kanilang 'miracle' rescue pagkatapos makalabas sa ospital | SBS Filipino