Karahasan sa tahanan nagiging isang pambansang krisis sa Australia, ayon sa mga tagapagtaguyod

Young woman doing a stop sign with her hand

Is domestic violence becoming a national crisis Source: iStockphoto / Getty Images

Nananawagan ang mga organisasyong nagtataguyod para sa mga biktima ng karahasan sa tahanan na magkaroon ng higit na kamalayan habang dumarami ang mga pagkamatay na may kaugnayan sa pang-aabuso sa kapareha. Lumabas ang panawagan habang ini-ulat ng pulisya ng New South Wales na nasa 140,000 na tawag ng tulong kaugnay ng isyu ng domestic violence ang kanilang tinatanggap bawat taon.


Key Points
  • Mula ika-5 ng Hulyo nitong taon, tatlong kababaihan ang umano’y pinaslang ng kanilang partner sa Australia.
  • Ipinapakita ng datos mula Bureau of Statistics na sa pagitan ng 2021-2022, isa sa apat na babae, at isa saw along lalaki ang nag-ulat na nakakaranas ng pagmamalupit ng kanilang kapareha o myembro ng pamilya.
  • Napag-alaman sa isang ulat noong 2021 na inilabas ng Migration and Inclusion Centre mula Monash University na 1/3 ng mga kababaihang migrante at refugee ay nakaranas ng karahasan sa tahanan o pamilya.
Kung ikaw o may kakilala na kailangan ng makaka-usap tungkol sa karasahan sa pamilya o tahanan, tumawag sa 1-800-RESPECT sa 1-800 737 732 o tumawag sa Lifeline sa 13 11 14. Sa oras ng emergency, agad na tumawag sa 000.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Karahasan sa tahanan nagiging isang pambansang krisis sa Australia, ayon sa mga tagapagtaguyod | SBS Filipino