- Bakit nahaharap ang Australia sa kakulangan ng aged care workers?
- Ano ang nagtulak kay Alvin para pasukin ang career sa aged care?
- Anu-anong mga trabaho ang maaaring pasukin sa aged care, at mga clearance ang kinakailangan?
- Anong mga payo ang maibibigay ng mga may karanasang migrante para sa mga bagong dating o newcomers?
- Anu-anong suporta ang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga migratanteng aged care worker?
- Bakit nagiging mas higit pa sa simpleng trabaho ang pagiging aged care worker para sa maraming migrante?
Ibinabahagi ng artikulong ito ang mga praktikal na tips mula sa Work in Progress, isang bahagi ng Australia Explained series na sumusubaybay sa mga kwento ng mga skilled migrant na bumubuo ng makabuluhang karera sa Australia. Pakinggan ang lahat ng episodes para sa mas maraming kwentong nagbibigay-inspirasyon at payo mula sa mga eksperto.
Sa episode na ito, sa pamamagitan ng kwento ni Alvin, tatalakayin natin kung paano makakabuo ng matagumpay at makabuluhang karera ang mga migrante sa sektor ng aged care sa Australia, at maririnig din ang mga payo mula sa mga eksperto para sa mga nais magsimula.
Ang sektor ng aged care sa Australia ay nakararanas ng malaking kakulangan sa mga manggagawa dahil tumatanda ang populasyon. Sa 2030, kailangan ang higit sa 100,000 bagong manggagawa sa aged care, at mahalagang papel ang ginagampanan ng mga migrante sa pagpuno sa puwang na ito. Marami sa kanila ang tumutulong upang magbigay ng mahalagang pangangalaga habang nilalampasan ang mga hadlang sa kultura at wika, upang masiguro ang de-kalidad na suporta para sa iba’t ibang komunidad.

Alvin Encarnacion working in an aged care facility in Melbourne.
Bakit nahaharap ang Australia sa kakulangan ng aged care workers?
Bakit nahaharap ang Australia sa kakulangan ng mga manggagawa sa pangangalaga sa matatanda?
Sa 2030, halos isa sa bawat limang Australian ay aabot na sa edad na 65, pero hindi naman sapat ang mga aged care worker para tugunan ito.
“The nation faces a shortage of over 100,000 aged care workers by 2030,” ito ang babala ni Erin Beigy, ang Manager ng Assessment Services sa Community Work Australia. “There’s certainly an immediate need for direct care workers.”
Paano tinutulungan ng mga migranteng manggagawa na mapagtagumpayan ang mga hadlang sa wika at kultura sa aged care?
Isa sa bawat tatlong recipients ng aged care ay ipinanganak sa ibang bansa, at marami ang bumabalik sa kanilang katutubong wika habang tumatanda na parang mga bata, lalo na kung may dementia.
It’s certainly advantageous for carers from CALD [Culturally and Linguistically Diverse] communities... Language and cultural familiarity can make a huge difference in care quality.Erin Beigy

Erin Beigy, Manager of Assessment Services at Community Work Australia.
Ano ang nagtulak kay Alvin upang pasukin ang career sa aged care?
Dumating si Alvin Encarnacion sa Australia noong 2023. Hindi niya inaasahang magtatrabaho siya bilang aged care worker, ngunit ngayon ay itinuturing niya itong kanyang bokasyon.
“It’s fulfilling. I feel like I’m helping my grandmother back home,” saad nito.
I don’t have family here, but the elders and coworkers became my family. I don’t call it a job, it’s a calling.Alvin Encarnacion
May background si Alvin sa food science nang siya ay dumating sa Australia bilang isang international student o naka-student visa. Dahil sa mga limitasyon ng kanyang visa, nahirapan siyang makahanap ng stable job. At sa isang pagkakataong may nakausap na nagbigay-daan sa kanya tungo sa Sunshine Hospital sa Melbourne—at kalaunan, hanggang napunta ito sa aged care.
Natapos niya ang Certificate IV in Ageing Support at ngayon ay nagtatrabaho bilang personal care assistant. Ginagamit niya ang kanyang kakayahang magsalita ng Ilocano, Tagalog, at English upang suportahan ang mga kliyenteng mula sa iba’t ibang kultura.

Alvin Encarnacion arrived in Australia in 2023 and today works at an aged care facility in Melbourne.
Anu-anong mga trabaho ang maaaring pasukin sa aged care, at mga clearance ang kinakailangan?
Ang Aged care sa Australia ay hindi lamang limitado sa tungkulin bilang personal carer. Depende sa iyong kakayahan, interes, at kwalipikasyon, maaari kang magtrabaho bilang isang:
- Personal care worker or support worker
- Residential aged care support worker
- In-home support worker
- Community support worker
- Hospitality, catering, o facilities staff
- Administration o coordination staff
- Allied health assistant
- Enrolled o registered nurse
- Team leader, home care coordinator, o aged care manager
Para sa marami, ang karaniwang entry point ay ang pagkuha ng Certificate III in Individual Support, na naghahanda sa iyo para sa mga tungkuling may direktang kinalaman sa pagiging carer. Mula rito, ang mga kwalipikasyon gaya ng Diploma of Community Services o Advanced Diploma of Community Sector Management ay maaaring magbukas ng oportunidad para sa mga posisyong may kaugnayan sa leadership, management, at tinatawag na specialised positions.
Upang makapagtrabaho sa aged care, may mga kinakailangang pagsusuri o clearance na mandatory. Kabilang dito ang mga sumusunod:
- National Criminal History Check (police check)
- Working with Children or Vulnerable People check, depende sa posisyon at uri ng pasilidad
- Para sa residential care, karaniwan nang kinakailangan ang proof of annual influenza vaccination.
Kadalasang nagbibigay ang mga employer ng gabay tungkol sa mga kinakailangang clearance o checks, sa recruitment process ng empleyado, at sa ilang pagkakataon, tinutulungan din nila ang mga manggagawa na makumpleto ang mga ito.

Lydia Kiropoulou is a team leader for an aged care and community service provider in Melbourne.
Anong mga payo ang maibibigay ng mga may karanasang migrante para sa mga bagong dating o newcomers?
Si Lydia Kiropoulou, isang dating theatre nurse mula sa Greece, ay nagsimula ng kanyang karera sa aged care matapos niyang makumpleto ang Certificate III in Individual Support. Nagsimula siya bilang home care assistant at ngayon ay namumuno sa mga government-funded services bilang isang team manager.
Ang payo niya sa mga baguhan ay malinaw: seryosohin ang pagsasanay at magsimula sa volunteering services.
“No amount of training can teach you how to care.But it will teach you how to protect yourself and your clients.”
Hinihikayat niya ang mga migrante na magtanong nang maaga—kahit bago pa man makarating sa Australia.
Always ask for help. That’s my first tip.Lydia Kiropoulou
Anu-anong suporta ang ipinagkakaloob ng gobyerno sa mga migranteng aged care worker?
Para matugunan ang kakulangan ng manggagawa, inilunsad ang Aged Care Industry Labour Agreement noong 2023. Pinapayagan nito ang mga kumpanya na mag-sponsor ng mga manggagawang mula sa ibang bansa para sa mga posisyon tulad ng personal care assistant at nursing support worker.
Kailangan pumirma ng kasunduan ang mga employer kasama ang unyon bago mag-nominate ng mga manggagawa para sa sponsorship. Kasama rin dito ang mga migrante na nasa Australia na.
May proseso ng skills assessment sa mga organisasyon tulad ng Community Work Australia para patunayan ang mga kwalipikasyon o karanasan sa trabaho mula sa ibang bansa. Mahalaga ito para sa pagkuha o sponsorship.
Bakit nagiging mas higit pa sa simpleng trabaho ang pagiging aged care worker para sa maraming migrante?
Para kay Alvin, ang aged care ay isang bagay na malapit sa kanyang puso.
It taught me patience, empathy, and a deep respect for life. Think of them as your grandparents—it changes how you see everything.Alvin Encarnacion
Kasalukuyan siyang nag-aaral para sa Diploma of Community Services, na naglalayong madagdagan ang kaalaman at umangat pa ang position sa larangan.
Dagdag pa ni Lydia, ang aged care ay tungkol din sa pagmamalasakit at giving back. “You will too. Get into this sector with heart. You’re doing the hard thing, but you’re giving something beautiful in return.”
Disclaimer: Ipinapahayag ng artikulong ito ang mga tiyak na halimbawa ng mga migrante na nakahanap ng trabaho sa aged care industry. Ang impormasyong nakasaad ay tama noong panahon ng paglalathala ngunit maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Ang mga indibidwal na nagnanais magtrabaho sa aged care ay inirerekomendang kumuha ng angkop na payo mula sa mga opisyal na sanggunian gaya ng Australian Government Department of Health and Aged Care and Community Work Australia, pati na rin mula sa registered training providers at professional associations.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.






